Sunshine Dizon, nagpapasalamat sa dating mister dahil maayos nitong ginagampanan ang mga obligasyon sa kanilang mga anak

Mahirap magpalaki ng mga anak nang mag-isa. Kaya naman itinuturing pa rin ng aktres na si Sunshine Dizon ang kanyang sarili na masuwerte dahil sa kabila ng paghihiwalay nila ng kanyang dating mister, magkatuwang pa rin sila sa pagpapalaki ng kanilang mga anak sa pamamagitan ng co-parenting setup.

Credit: @m_sunshinedizon Instagram

Kamakailan ay nakapanayam si Sunshine ng Cinema One kung saan ay ibinahagi niya ang kasalukuyang setup nila ng kanyang dating mister na si Timothy Tan pagdating sa pagpapalaki ng kanilang mga anak.

Matatandaang nabalot ng kontrobersiya ang hiwalayan ni Sunshine at Timothy noon dahil sa isyu ng third party na umabot pa sa pagsasampa ni Sunshine ng kas0 laban sa mister. Ngunit sa huli, nagkaayos silang dalawa at pumasok sa isang co-parenting setup.

Ayon sa bagong Kapamilya actress, nagpapasalamat siya dahil kahit hiwalay na sila ng mister, maayos pa rin nitong ginagampanan ang mga obligasyon nito bilang tatay sa kanilang mga anak.

Credit: @m_sunshinedizon Instagram

Dagdag pa ni Sunshine, masaya ang kanyang mga anak dahil kahit papaano ay may tatay pa rin sila.

“Siguro what I can say na lang is I’m very thankful that he does what he has to do. He does his responsibilities and obligations well. My kids are happy na may daddy pa rin sila,” pahayag ni Sunshine.

Masasabi nga ni Sunshine na kahit papaano ay mapalad pa rin siya dahil hindi siya nag-iisa sa pagpapalaki ng kanilang mga anak.

Ani Sunshine, “I don’t want to claim that title na single parent ako. Nakakahiya dun sa mga totoong single parent… Ang set up ko is co-parenting. Somehow I’m still blessed.”

Credit: @m_sunshinedizon Instagram

Aminado naman si Sunshine na hindi siya ang tipong madaling makalimot pagkatapos masakt@n.

Gayunman, kung may maipapayo si Sunshine sa mga taong nakaranas din ng mga pinagdaanan niya noon, ito ay huwag lamang isipin ang kanilang sarili kundi pati na rin ang kapakanan ng kanilang mga anak.

Giit pa ni Sunshine, “Siguro, ultimately dahil iba-iba tayo ng sitwasyon at kaso, isipin muna natin ang mga anak natin kung mayroon tayo. Ano ang kailangan nila, ano ang dapat para sa kanila?”

Sa kaso nga ni Sunshine, mas pinili niyang pumasok sa co-parenting setup para kahit papaano ay maramdaman pa rin ng kanilang mga anak ang isang buong pamilya.

Credit: @m_sunshinedizon Instagram

“Ngayon katulad ko na puwede pa naman or co-parenting, go for it. At least may semblance yung mga bata ng buong pamilya,” ani Sunshine.

At sa huli ay natutunan ni Sunshine na upang maging masaya, kinakailangan ang pagtanggap sa mga nangyari at ang pagpapatawad sa ating sarili at hindi lamang sa mga taong nagkasala sa atin.

“What I learned in life is acceptance is the key, acceptance and forgiveness. Not only the person who wronged you but forgiveness for yourself,” ani Sunshine.