Wala nang mas hihigit pa sa regalong matatanggap sa pagdating ng isang baby sa buhay ng kanyang mga magulang.
Credit: @sunshine_garcia Instagram
Talagang ramdam na ni Sunshine Garcia at Alex Castro ang simoy ng pasko dahil muling nadagdagan ng bagong miyembro ang kanilang lumalaking pamilya. Dahil sa labis na kasiyahang naramdaman ng mag-asawa, masayang ibinahagi ng aktor slash politician na si Alex ang magandang balita sa Instagram.
Sabado, November 13 nang nagbahagi si Alex ng mga larawan matapos matagumpay na isilang ng kanyang asawa ang kanilang ikalawang anak na pinangalanan nilang si baby Alexander.
“He’s here 💙,” sulat ni Alex sa kanyang caption.
Sa isa namang hiwalay na post, ibinahagi ni Alex ang mga larawan ni baby Alexander. Kaagad naman itong kinagiliwan ng fans dahil sa kagwapuhan nito. Talagang namana niya ang magandang mga mukha ng mga magulang!
Credit: @sunshine_garcia Instagram
“Alexander ❤️,” pagpapakilala ni Alex sa ikalawang anak.
Kaagad namang inulan ng pagbati at magagandang komento galing sa kapwa celebrities at fans ang mismong post ni Alex.
“Congratulations brother @bmalexcastro & @sunshine_garcia 😍🎉🙏🏻,” pagbati ni Rodjun Cruz sa mag-asawa.
“Congrats VG @bmalexcastro and Shine! 😍” saad naman ni Jhong Hilario.
Credit: @sunshine_garcia Instagram
“Congratulations ❤️,” komento ni John Prats.
“Congratulations bro!!” sabi naman ni Patrick Garcia.
“Congrats mama!!! ❤️❤️❤️” ayon kay MJ Lastimosa.
Maaalala nitong buwan ng September nang ibinahagi ni Sunshine na ipinagbubuntis niya ang ikalawang anak nila ni Alex nang ibinahagi ang mga larawang kuha sa kanilang gender reveal na selebrasyon matapos ang kaarawan ng asawa.
Credit: @sunshine_garcia Instagram
“After Birthday Celebration Gender Reveal naman kami💚,” saad ng dating S3xb0mb dancer na si Sunshine sa kanyang caption.
Sa ibinahagi naman niyang maikling video, ibinahagi niyang magkakaroon ulit sila ng baby boy sa pamilya kasunod ng kanilang panganay na si Axel.
Ayon kay Sunshine sa kanyang caption, “and it’s a…BOY👶 Ayaw pa din ng girl ha pwes gagawa ako ng paraan mamimili ka sa mga boys natin kung sino gagawin ko sa kanila girl😂✌🏼😅 char!!!”
Ngayo’y papalapit na ang pasko, masaya itong sasalubungin ng pamilyang Garcia-Castro kasama ang bagong miyembro ng kanilang pamilya na si baby Alexander.