‘Super Inggo’ Makisig Morales at kanyang Filipino-Australian misis, usap-usapan online dahil sa kanilang photosh0ot suot ang Barong-inspired wedding outfits!

Isa sa mga hindi malilimutang fantasy series o fantaserye sa Philippine TV ay ang pinagbidahan ng aktor na si Makisig Morales na “Super Inggo”.

Hindi maikakailang naging bahagi ng bawat pagkabata ng maraming Pilipino ang iconic na karakter na ginampanan ni Makisig na “Budong” o “Super Inggo” sa serye.

Credit: @makisig228 Instagram

Kaya naman marami ang napapa-throwback at hindi makapaniwalang ang dating makulit na bata na pinapanood nila noon ay isa nang ‘mister’ ngayon!

Matatandaang ikinasal si Makisig noong 2019 sa edad na 22 sa Filipina-Australian model-beauty queen na si Nicole Joson. Sa ngayon ay masayang naninirahan sa Australia ang celebrity couple.

Kamakailan naman ay muling pinag-usapan sa social media sina Makisig at Nicole dahil sa mga lumabas nilang photos kung saan ay ibinandera nila ang kultura ng Pilipino!

Imbes kasi typical na wedding suit at wedding dress ang suot nina Makisig at Nicole sa photoshoot ay ibinida nila ang isang modern barong at baro’t saya. Makikita rin sa isang larawan na nakasuot pa si Makisig ng salakot.

Credit: @makisig228 Instagram

Talaga namang kahit sa Australia na sila naninirahan ay hindi pa rin nakakalimutan nina Makisig at Nicole ang mayamang kultura at tradisyon ng Pilipinas.

Sabi pa ni Makisig sa Instagram, “Ako’y isang [Pinoy], sa puso’t diwa.”

Samantala, ang mga suot ng celebrity couple ay para sa campaign project ng isang Australian based Filipino clothing brand na gumagawa ng mga barong-inspired na mga kasuotan na Barong at Bestida Australia.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Makisig Morales (@makisig228)

Sa kanilang Instagram post, pinasalamatan naman ng brand sina Makisig at Nicole sa pagpayag nitong maging modelo ng kanilang mga gawa.

Kwento nila, “We met Nicole and Makisig few years back and this young couple is truly admirable in their hardworking attitude. Not only he is Makisig, but he is also MASIPAG, MATIYAGA at MAALAGA sa asawa. They are the perfect duo behind NikMak Sweet Pack.”

Credit: @makisig228 Instagram

“Makisig and Nicole, it was truly an honor to have you both in our journey as we encourage more Pinoys abroad to wear a piece of FILIPINO heritage and be proud of our CULTURE! MABUHAY ang PINOY!!!” mababasa sa Instagram post ng Barong at Bestida Australia.

Taong 2014 nang mag-migrate sa Australia si Makisig kung saan naman naninirahan ang kanyang pamilya.

Ayon sa ilang balita, isa sa mga pinagkakaabalahan ni Makisig sa Australia ay ang itinatag nilang mag-asawa na food business na NikMak Sweet Pack.