Super Tekla, abot-langit ang kasiyahan matapos makabili ng sariling bahay dahil sa pagba-vlog!

Totoo nga ang kasabihan na walang imposible para sa mga taong naniniwala, nagsusumikap, nagtitiyaga para sa kanilang mga pangarap.

Credit: Donekla in Tandem YouTube

Patunay dito ang komedyanteng si Super Tekla o Romeo Librada sa tunay na buhay na abot-langit ngayon ang kasiyahan at pasasalamat matapos siyang makabili ng kanyang sariling bahay.

Sa isang vlog na mapapanood sa joint YouTube account nila ng kanyang partner na si Donita Nose na “Donekla in Tandem”, ibinahagi ni Tekla ang bagong bahay na nabili niya.

Credit: Donekla in Tandem YouTube

Dream come true ngang maituturing ni Tekla ang pagkakaroon niya ng sariling bahay na magsisilbing tahanan ng kanyang pamilya.

Isa ring dahilan kaya bumili ng kanyang sariling bahay si Tekla ay dahil alam niyang hindi panghabambuhay ang kanyang kasikatan at trabaho bilang artista.

Kapag nag-retiro na nga raw siya sa pag-aartista ay hindi na siya mamomoblema dahil may bahay na siyang uuwian.

Excited naman na ipinakita ni Tekla sa kanilang mga subscriber ang loob ng kanyang nabiling bahay.
Isang dalawang palapag na bahay na mayroong apat na kwarto ang kinuha ni Tekla sa isang subdivision.

Credit: Donekla in Tandem YouTube

Bahagi ni Tekla, gagawin niyang isang studio ang isa sa mga kwarto habang ang isang kwarto naman ay nakalaan para sa kanyang anak na si Aira.

Sa house tour vlog, ibinahagi nina Tekla at Donita na sila ay magkapitbahay lamang dahil sa nasabing subdivision din ay kumuha ng kanyang sariling unit si Donita.

Wala pang laman ang bagong bahay ni Tekla dahil aniya, magtatrabaho at mag-iipon pa raw siya para mayroon siyang pambili ng mga gamit. May balak din si Tekla na ipa-renovate ang kanyang bahay.

Samantala, taos-puso naman ang pasasalamat nina Tekla at Donita sa kanilang mga subscriber na malaking parte ng kanilang tagumpay sa pagba-vlog.

Credit: Donekla in Tandem YouTube

Ani Tekla, “Ang sarap sa pakiramdam, worth it ‘yung pagod, ‘yung sacrifice, ‘yung effort natin. Ipinapakita po natin ito sa mga ka-tandem natin na may kinapupuntahan po ‘yung pag-like ninyo, pag-share ninyo, at panonood, at pagsuporta ninyo sa Donekla in Tandem.”

Isang inspiring message naman ang iniwan ni Tekla para sa lahat.

Aniya, “Nakakataba ng puso, nakaka-inspire dahil despite sa dami ng pinagdaanang hirap, kagipitan, kakulangan, pandemic, lahat, kung anu-anong nangyari but, still, kung my faith ka kay God mangyayari lahat ng pinagdarasal mo.”

Credit: Donekla in Tandem YouTube

Dagdag ng komedyante, “Magtiwala ka kung meron kang gustong marating sa buhay. Basta sipagan mo lang, pursigido kang mangarap, matutupad ‘yan.”

Sa huli ay hiling ni Tekla na magsilbing inspirasyon para sa lahat ang ‘journey’ nila ni Donita.

“Tulad nito, tulad ni Donita, nangarap, nag-ambisyon, nagkaroon, nagsumikap, nawa’y kapulutan n’yo ‘to ng inspirasyon ang aming journey sa Donekla. Wala po kaming kaming ibang hangad kundi ang mabigay ng inspirasyon, saya, at ngiti sa mga taong nagmamahal at sumusuporta sa Donekla in Tandem,” ani Tekla.