Super Tekla, emosyonal matapos muling makasama ang anak na hindi niya nakita ng halos isang taon

Mahirap para sa isang magulang na malayo nang mahabang panahon sa kanyang anak. Kaya naman hindi mapigilang maging emosyonal ng komedyanteng si Super Tekla o Romeo Librada sa tunay na buhay matapos niyang masilayan at mayakap muli pagkatapos ng halos isang taon ang kanyang “prinsesa” at unica hija na si Aira.

Credit: Super Tekla YouTube    

Si Aira ay anak ni Super Tekla sa kanyang dating karelasyon na si Airyn Gonzales.
Habang si Super Tekla ay naka base sa Maynila dahil sa kanyang trabaho, si Aira naman ay nasa probinsiya at nag-aaral.

Bago mag-pasko ay lumipad si Aira sa Maynila para ipagdiwang ang pasko kasama si Super Tekla.

Medyo naging mahirap pa para kina Super Tekla at Aira na magkita dahil na rin sa mga ipinapatupad na str!ktong patakaran sa pagbiyahe ngayong may umiiral na health kris!s.

Credit: Super Tekla YouTube

Buti na lamang at bago mag-pasko ay nagawan ng paraan ni Super Tekla na maproseso ang lahat ng requirement para makalipad ng Maynila si Aira.

Sa vlog na inupload ni Super Tekla sa kanyang official YouTube channel ay mapapanood siyang ikinukwento kung gaano siya ka sabik na muling makita ang kanyang anak.

Credit: Super Tekla YouTube

Personal na sinundo ni Super Tekla si Aira sa airport at habang bumabiyahe ay ibinahagi niya na halos isang taon din umano niyang hindi nakita si Aira.

Credit: Super Tekla YouTube

Makikita sa ekspresyon ng mukha ni Super Tekla ang kanyang excitement sa muling pagkikita nila ni Aira.

Kwento pa ni Super Tekla, napaka-espesyal sa kanya ang araw na muling masisilayan at mayayakap niya ang kanyang anak.

Emosyonal ang pagkikita ng mag-ama na mapapanood sa vlog. Kitang-kita sa higpit ng mga yakap ni Super Tekla kay Aira kung gaano niya na-miss ito.

Pagkatapos ng emosyonal na pagkikita ng mag-ama sa Airport ay nagtungo sila sa tinutuluyang condo ni Super Tekla para magbihis.

Credit: Super Tekla YouTube

Sunod naman silang nagpunta sa isang salon. Gustong i-pamper ni Super Tekla ang kanyang anak at pinaayos ang buhok nito. Enjoy naman si Aira habang kini-keratin treatment ang kanyang buhok.

Ayon kay Super Tekla gusto niyang ibigay kay Aira ang lahat dahil nag-iisa lamang daw ito.

Ani Super Tekla, “I wanna give the best for her – everything.”

Credit: Super Tekla YouTube

Natapos ang vlog na mapapanood sina Super Tekla at Aira na nasa isang restaurant at masayang-masaya.