Kung noo’y mga materyal na bagay ang ating gustong matanggap sa tuwing sumasapit ang ating kaarawan, unti-unti namang nagbabago ang ating pananaw sa buhay at nagbabago rin ang ating nais habang namumulat na tayo sa realidad ng mundo.
Credit: Donekla in Tandem YouTube
Bilang isang kaibigan, wala naman tayong ibang hangad kung hindi ay mapasaya ang ating kaibigan sa espesyal nilang araw kaya naman, talagang pinag-isipang mabuti ni Donita Nose na mabigyan ng magandang regalo ang kapwa comedian at kaibigan na si Super Tekla.
Ngayon na muli na namang tumaas ang kaso ng mga taong nagpo-p0sitive sa viru$ sa ating bansa, mas minabuti ni Donita Nose at Super Tekla na magkaroon lamang ng intimate na selebrasyon kasama ang dalawa pa nilang kasama sa iisang bahay.
Credit: Donekla in Tandem YouTube
Maliban sa cake at mga pagkaing hinanda ni Donita Nose para sa kaibigan, may regalo rin siyang hinanda para kay Super Tekla.
“Besh, wala naman akong ibang hangad ngayong araw na ‘to at ngayong birthday mo kundi maging masaya ka talaga,” mensahe ni Donita Nose sa kaibigan.
Nakabalot sa malaking box ang ibinigay na regalo ni Donita Nose kay Super Tekla ngunit sa ilang ulit niyang pag-unwrap, magkakasunod na box lamang ang sumasalubong sa kanya kaya hindi niya naiwasang isipin na baka prank lamang iyon ng kaibigan lalo na’t may nakita siyang balot ng tin foil at may bato pa, ngunit biglang naglaho ang lahat ng kanyang emosyon nang binuksan niya ang pinakamaliit na box na naglalaman pala ng pera!
Credit: Donekla in Tandem YouTube
“Oh my god! Totoo ba ‘to? Salamat ha. Naku, kailangang-kailangan ko ng pera. Andami kong bayarin,” pagbibiro ni Super Tekla.
Ngunit imbes na unahin ang sarili sa plano niyang gawin sa perang natanggap galing kay Donita Nose, ang kanyang bunsong anak kaagad ang pumasok sa isip ni Super Tekla.
“Naku, malaking bagay ‘to. Ibibili ko ang kalahati nito ng gatas ni Ange kasi di’ba, hindi natin masabi ‘yung mag-lockdown na naman. Okay na ‘ko,” ayon kay Super Tekla.
Si baby Angelo ang bunsong anak ni Super Tekla na bininyagan noong Disyembre 2020 at dahil matumal ngayon ang offers niya sa showbiz, talagang napakalaking tulong para sa kanyang pamilya ang perang ibinigay ni Donita Nose sa kanya.
Credit: Donekla in Tandem YouTube
Maliban sa pagbibigay ng kasiyahan sa kanyang fans, hands-on din bilang isang magulang ang komedyante, isang katangian na talagang hinahangaan ng karamihan.
Dahil sa natanggap na magandang regalo galing sa kaibigan, talagang naging extra special pa ang kanyang kaarawan.