Super Tekla, naluha sa napakagandang mensahe na ipinadala ng kanyang 12 taon na anak na si Theora

Isa si Romeo Librada o mas kilala ng lahat bilang Super Tekla o Tekla sa mga sumisikat ngayong komedyante at aktor sa telebisyon. Maliban sa pag-arte ay isa na ring vlogger ngayon si Tekla kasama ang kanyang partner na si Donita Nose.

Credit: Ogie Diaz YouTube         

Unang nakilala si Tekla taong 2016 nang maging contestant siya sa segment ng Wowowin na “Will of Fortune” kung saan ay nakitaan siya ng potensyal ng host ng show na si Willie Revillame sa pagho-hosting.

Credit: @superteklahlibrada Instagram

Kamakailan lamang ay naging maugong ang pangalan ni Tekla matapos siyang masangkot sa isang kontrobersiya na may kinalaman sa kanyang kinakasama ngayon.

Credit: @superteklahlibrada Instagram

Hindi pa man natutuldukan ang kontrobersiyang kanyang kinasasangkutan ay nagpahayag na ng suporta ang kanyang pamilya at malalapit na kaibigan sa kanya.

Credit: @superteklahlibrada Instagram

Isa nga sa nagbibigay lakas ngayon sa komedyante ay ang kanyang 12 taon na anak na si Theora.
Sa vlog ni comedian-reporter at talent manager Ogie Diaz, ay ibinahagi ni Theora ang kanyang touching message para sa ama na humaharap ngayon sa maraming problema.

Credit: Ogie Diaz YouTube

Ani Theora, “Daddy, kahit malayo siya at hindi kami magkasama. Palagi kami nag-uusap at pinapaalala niya na maging mabuti ako sa lolo at lola ko na nag-aalaga sa ‘kin ngayon. At ‘yung responsibilidad niya sa ‘kin hindi niya nalilimutan.”

Credit: @superteklahlibrada Instagram

Bakas sa reaksyon ni Tekla habang pinapanood ang video message ni Theora ang kasiyahan. Sa katunayan, ay sobrang na-touch talaga ang komedyante at naluha na lamang ito habang pinapanood ang video ng anak.

Credit: Ogie Diaz YouTube

Mensahe naman ni Theora sa ama, “Mahal na mahal ko po ang daddy ko at lagi ko pinapangako na pagbubutihan ko ang aking pag-aaral para sa pagdating ng panahon ako naman ang mag-alaga sa kaniya balang araw.”

Credit: @superteklahlibrada Instagram

Dagdag niya, “Lagi kang magpapakatatag, daddy. Manalig ka kay Lord sa lahat ng oras. Nandito lang ako laging nakasuporta sa’yo at sa kapatid ko, nagdarasal na maging healthy na siya.”

Credit: @superteklahlibrada Instagram

Sa huli, ay hindi maitago ni Tekla ang kanyang kasiyahan dahil sa mensahe ng kanyang anak. Ayon kay Tekla, ipinagmamalaki raw talaga niya ang anak dahil lumaki raw itong maayos at mabuting anak.

Credit: @superteklahlibrada Instagram

Saad ni Tekla, “Sobrang proud na proud ako sa batang ito kasi ang ganda ng pagpapalaki sa kanya. Walang galit sa puso ‘yung bata. Isa ‘yan sa mga yaman ko talagang hindi ko pwedeng ipagpalit.”

Credit: @superteklahlibrada Instagram

Si Theora Airah Librada ay anak ni Tekla sa dating karelasyon na si Airyn Gonzales.