“Swapping lives challenge” ni Andrea Brillantes at ng kanyang ate, patok na patok sa mga netizen!

Madalas makita sa mga vlog ni “Kadenang Ginto” actress Andrea Brillantes ang kanyang nakatatandang kapatid na si Kayla Aan Gorostiza.

Credit: @blythe Instagram

Sobrang malapit talaga si Andrea sa kanyang Ate Kayla. Sa katunayan, sa pinakabagong vlog ni Andrea o mas kilala rin ng kanyang mga tagahanga bilang “Blythe” ay bida rito ang kanyang Ate Kayla.

Sinubukan nina Andrea at ng kanyang Ate Kayla ang “swapping lives challenge” na usong-uso ngayon sa social media kung saan ay nagpalitan sila ng posisyon sa buhay.

Credit: Andrea B. YouTube

Umarte muna si Andrea bilang kanyang Ate Kayla at ginaya ang mga araw-araw na ginagawa nito. Habang si Kayla naman ay pansamantala munang nagpahinga sa kanyang pagiging “Ate” para gayahin ang mga tipikal na ginagawa ng kanyang bunsong kapatid.

Sa simula ay mapapanood si Andrea na gumising nang maaga para magluto ng kanin at maghanda ng pagkain para sa kanilang mga aso.

Credit: Andrea B. YouTube

Mahilig mag-alaga ng aso ang pamilya ni Andrea at ang kanyang Ate Kayla umano ang nakatoka tuwing umaga na maghanda ng pagkain para sa mga ito.

Kaya naman unang ginawa ni Andrea bilang gumaganap siyang “Ate Kayla” ay magpakain ng mga alaga nilang aso.

Dahil hindi sanay, kaya naman nahirapan si Andrea. Kapansin-pansin na hindi talaga siya sanay na gawin ang pang-araw-araw na routine ng kanyang Ate Kayla kaya naman nagtawag siya ng tulong.

Credit: Andrea B. YouTube

Agad namang rumescue si Kayla at tinulungan sa pagpapakain ng aso ang kanyang bunsong kapatid na nagpapaka-ate muna.

Maliban sa pagpapakain ng mga aso, sinubukan din ni Andrea na mag-ehersisyo na aniya, ginagawa rin ng kanyang Ate Kayla.

Samantala, si Kayla naman ay ginaya ang mga karaniwang ginagawa ni Andrea tuwing nasa kanilang bahay.

Kabilang dito ang panonood at paggawa ng mga TikTok videos, pagvi-video call sa actor na si Seth Fedelin at pag-inom ng smoothie na di3t drink ni Andrea.

Ikinatuwa naman ng fans ni Andrea ang pagpapalit ng buhay nila ng kanyang Ate Kayla dahil para lamang silang mag-best friend at nagbo-bonding na dalawa.

Credit: @blythe Instagram

Bukod dito, ay talaga namang makikita na game na game si Kayla sa mga kalokohan ni Andrea, isang bagay na nagpapakita kung gaano niya kamahal ang kanyang bunsong kapatid.

Sa panahong isinusulat ang artikulong ito, isang milyon na ang nakapanood ng “Swapping Lives With My Ate” vlog episode ni Andrea.