Maituturing na isa sa mga pinaka-matagumpay na tao sa buong mundo ang boksingero, pulitiko, at negosyanteng si Manny Pacquiao.

Nakilala siya hindi lamang dahil sa kanyang galing sa pagbo-boxing ngunit dahil sa kanyang mabuti at mapagkumbabang personalidad.
Sa likod ng kanyang tagumpay sa buhay, si Manny ay kumukuha ng lakas at inspirasyon hindi mula sa kanyang pera kundi sa Diyos at sa kanyang pamilya.
Sa katunayan, sa kabila ng kanyang busy schedule ay number 1 priority pa rin niya ang kanyang pamilya dahil para sa kanya, “family is everything”.

Nitong Linggo, December 13, masayang ipinagdiwang nina Manny at ng kanyang pamilya ang ika-19 na taong kaarawan ng kanyang pangalawang anak na si rapper-singer Michael Pacquiao.
Isang simpleng kainan lamang ang naganap sa mansyon ng pamilyang Pacquiao sa Makati City. Samantala, kinaaliwan naman ng maraming netizens ang mga larawan na ipinost ni Manny sa kanyang Instagram account kung saan ay makikita siyang kinakarga si Michael na parang isang maliit na bata.
View this post on Instagram
Hindi alintana ni Manny na binata na ang kanyang anak at mas matangkad pa ito sa kanya dahil kinarga pa rin niya ito at mahigpit na niyakap.
“Making my son a priority today,” sulat ni Manny sa caption.

Dagdag niya, “At the end of the day, family is everything. Always a proud dad here. Happy Birthday @pacquiao.michael”
Sumulat din ang kanyang asawang si Jinkee ng isang sweet at touching birthday message para sa kanilang anak sa Instagram account nito.
View this post on Instagram
Ani Jinkee, “Happy happy birthday @pacquiao.michael . You have given me so many reasons to be proud of the man you have become, but the proudest moment for me is telling others that you are my God fearing, loving, caring and thoughtful son. We love you very much! ♥️💖♥️”

Kamakailan ay nag-viral si Michael matapos niyang kantahin ang kanyang rap-song na “Hate” sa Wish 107.5 bus na umani ng milyun-milyong views at maraming papuri mula sa mga netizen.

Sa panahong isinusulat ito, mahigit 13 million views na ang nakuha ng Wish 107.5 performance video ni Michael sa YouTube.