Sweet bonding moment ng mag-inang Anne Curtis at Dahlia Amèlie, pinusuan ng netizens

Kinaaliwan ngayon ng maraming netizen ang sweet bonding moment ng mag-inang Anne Curtis-Smith at Baby Dahlia Amelie.

Credit: Anne Curtis Instagram       

Sa kanyang Instagram account nitong October 11, ay nag-post ang first-time mom na si Anne ng isang larawan kung saan makikita ang kulitan nila ni Baby Dahlia.

Caption ni Anne sa Instagram post, “Sunday cuddles & kisses with this little girl are the best!!”
Dagdag pa ng TV host-actress, “I hope she never gets tired of me smothering her with them.”

Credit: Anne Curtis Instagram

Makikita sa larawan ang pangungulit at paglalambing ni Anne sa pitong buwang gulang na anak. Mukhang nagustuhan naman ni Baby Dahlia ang mga halik na iginagawad sa kanya ng kanyang Mommy Anne dahil sa matamis na ngiti nito.

Credit: Anne Curtis Instagram

Kitang-kita rin sa larawan na ini-enjoy ngayon ni Anne ang motherhood. Hindi maipagkakailang mas naging blooming ang aktres simula bang dumating si Baby Dahlia. Mas lalo itong gumanda ngayon nang maging isa na siyang ganap na ina.

Credit: Anne Curtis Instagram

Kapansin-pansin sa larawan na sinusulit ni Anne ang bawat sandali na kasama ang kanyang unang anak base na rin sa paraan ng pagpikit ng mga mata nito habang hinahalikan ang nakakagigil na pisngi ng anak.

Credit: Anne Curtis Instagram

Pinusuan naman ng netizens ang sweet bonding moment ng mag-ina. Sa mga panahong isinusulat ito, ay mayroon nang mahigit 500K na likes ang larawan nina Anne at Baby Dahlia, isang araw pa lang ang makalipas matapos ibahagi ni Anne ang larawan.

Credit: Anne Curtis Instagram

Sa comment section ng Instagram post, ay bumaha ang iba’t ibang reaksyon ng netizens. Komento ng netizens:

Credit: Anne Curtis Instagram

“so adorable!! tomorrow lots of sunshine Dahlia and mummy”

“DAHLIA’S FLUFFY CHUBBY CHEEKS LOOKS SO YUMMY”

“So much loved by mumma”

Credit: Anne Curtis Instagram

“Precious moment. This is the cutest. I love you both so much”

“Look so good yeah look so sweet…So pretty pretty”

Maraming netizen din ang nakapansin na namana ni Baby Dahlia ang mukha ng kanyang ama na si restaurateur-vlogger Erwan Heussaff. Nakuha naman daw ni Baby Dahlia ang ngiti ni Anne. Ani netizens:

Credit: Anne Curtis Instagram

“copy sa father nya yong mukha ni baby”

“She is a copycat of her papa”

“She’s mini erwan but she got your smile”

Credit: Anne Curtis Instagram

Lumipad sina Anne at Erwan papuntang Melbourne, Australia noong December 2019.
Nitong March 2 lamang ay isinilang ni Anne si Baby Dahlia.