Sweet moments nina Julia Barretto at Gerald Anderson sa 32nd birthday celebration ng aktor, usap-usapan online!

Viral ngayon ang isang video kung saan mapapanood ang pagiging sweet ng controversial celebrity couple na sina Julia Barretto at Gerald Anderson sa 32nd birthday celebration ng aktor.

Na-videohan ng isang netizen ang masayang birthday celebration ni Gerald sa isang beach resort sa Zambales. Mapapanood sa video si Julia na may hawak na isang birthday cake.

Credit: @andersongeraldjr Instagram

Nagkaroon naman ng isang moment si Julia kung saan ay nagbigay siya ng isang maikling birthday message sa aktor.

Sa huling bahagi ng video, makikita na tinutukso ang magkasintahan ng mga bisita hanggang sa lumapit na nga si Julia kay Gerald at binigyan ito ng isang matamis na halik sa labi.

Ang video na inupload ng isang nagngangalang Patricia Ann Jimenez Zaldua sa Facebook ay mayroon na ngayong mahigit 800K views, 3K comments, 1.6K shares at mahigit 5K reactions.

Credit: Patricia Ann Jimenez Zaldua Facebook

Bago ito, unang kumalat ang mga litrato nina Julia at Gerald na magkasama sa isang relief operation activity sa Iba, Zambales.

Ang nasabing relief operation activity ay ang kanilang unang public appearance simula nang i-reveal nila ang kanilang relasyon sa publiko.

Sa mga larawan ipinost ng Department of Transportation sa kanilang offical Facebook page ay makikita sina Julia at Gerald na nakasuot ng parehong Coast Guard Auxiliary shirt habang namamahagi ng relief goods sa mga residente.

Bahagi pa rin ng 32nd birthday celebration ni Gerald ang nasabing aktibidad. Matatandaang si Gerald ay parte ng Philippine Coast Guard Auxiliary at may rank siyang Lieutenant Commander.

Credit: Patricia Ann Jimenez Zaldua Facebook

Samantala, noong nakaraang March 5, deretsahang inamin ni Gerald sa kanyang one-on-one interview sa host na si Boy Abunda na mayroon silang relasyon ni Julia.

Kinumpirma nga ni Gerald ang matagal nang espekulasyon ng marami na may namamagitan sa kanila ng kanyang naging on-screen partner sa pelikulang “Between Maybes” noong 2019.

Credit: Patricia Ann Jimenez Zaldua Facebook

At hanggang ngayon, mainit pa rin na pinag-uusapan ang controversial couple mapa-telebisyon man o sa iba’t ibang social media platform.

Sa kauna-unahang pagkakataon naman ay nag-post si Julia sa kanyang Instagram account ng sweet at sweet photo nila ni Gerald.

Nitong March 7, nagdiwang si Gerald ng kanyang kaarawan at isang sweet message ang isinulat ni Julia para ipahayag ang kanyang pagmamahal at batiin ang kanyang nobyo.

Credit: Patricia Ann Jimenez Zaldua Facebook

Mensahe ni Julia kay Gerald, “Everyday I celebrate you, but today I am extra grateful 🤍 Happy birthday my love, I am SO PROUD OF YOU.”