Sweet na letrato ni Cesar Montano kasama ang anak ng dating beauty queen na si Sandra Seifert, pinaguusapan ngayon sa social media

Ginulat ni “Miss Philippines Earth 2009” Sandra Seifert ang lahat matapos siyang mag-post ng larawan ni Cesar Montano na hinahalikan ang kanyang 5-taong gulang na anak na si Corinth Ian.

Credit: Sandra Seifert Instagram     

“Love Actually,” sulat ni Sandra sa caption ng letrato.

Makikita sa letrato si Cesar na sweet na sweet sa anak ni Sandra. Kapansin-pansin din ang pagiging malambing nito sa anak ni Sandra.

Credit: Sandra Seifert Instagram

Sa paraan din ng pagyakap at paghalik ni Cesar sa pisngi ng bata ay umaapaw ang pagmamahal nito.
Ibig ba nitong sabihin na ang aktor nga ang ama ng anak ng beauty queen?

Sa panahong isinusulat ito, ay wala pa ring opisyal na pahayag si Sandra tungkol sa pagiging ama ni Cesar sa kanyang anak.

Taong 2015 ay napabalitang nabuntis ni Cesar ang beauty queen ngunit mariin nila itong itinanggi.

Credit: Sandra Seifert Instagram

Ngayon nga ay muling nabuhay ang mga espekulasyon na si Cesar ang ama ng anak ni Sandra dahil sa i-pinost na letrato nito.

Sa isang artikulong inilathala ng PEP.ph nitong June, inamin ni Sandra na siya ay isa nang ina at single mom. Ibinunyag din ni Sandra na labis niyang kinakatakutan na husgahan siya ng mga tao dahil nabuntis siya nang wala pang kasal.

Credit: Sandra Seifert Instagram

“I was very active in ministry work, so one of my greatest fears was being criticized for being pregnant before marriage, especially here in the Philippines,” saad ni Sandra sa PEP.ph.

Pag-amin pa ni Sandra, “I dreaded the judgment of others—admittedly it was a tough period—especially because a lot of young women looked up to me as a source of inspiration.”

Ibinahagi rin ni Sandra na napagpasyahan niyang palakihin ang kanyang anak na walang tulong ng isang yaya dahil gusto niyang tutukan ang paglaki nito.

Credit: Sandra Seifert Instagram

Ibinunyag din ni Sandra na minsan lamang umano nakikita ng kanyang anak ang ama nito at ayaw niyang minsan lang din siya makita nito kaya naman sinisigurado niya na hands-on siya sa pagpapalaki sa anak. Gayunpaman, ay hindi nabanggit ni Sandra kung sino ang ama ng kanyang anak.