Sweet na litrato ng mga anak ni Andi Eigenmann, nagpatunaw sa puso ng maraming netizens

Hindi mapapantayan ng anumang bagay sa mundo ang sayang nararamdaman ng isang ina tuwing makikita niya na kumpleto ang kanyang mga anak.

Walang ngang mapagsidlan ang kasiyahan na nararamdaman ngayon ng aktres na si Andi Eigenmann lalo na’t nadagdagan ng isa pang miyembro ang kanilang masaya at napakagandang pamilya sa pagdating ng ikalawang anak nila ni Philmar Alipayo na si baby Koa.

Nitong January 17, isinilang ni Andi ang kanyang ikatlong anak na isang napakagwapong batang lalaki.

Credit: Andi Eigenmann Instagram

Bukod naman kina Andi at Philmar, dalawa sa mga tao na tuwang-tuwa na makita si baby Koa ay ang kanyang sariling mga kapatid na sina Ellie at Lilo.

Kinatuwaan nga ng maraming netizens ang litrato na ibinahagi ni Andi kung saan makikita ang kanyang tatlong anak na sina Ellie, Lilo at Koa na magkatabing natutulog.

Natunaw ang puso ng marami matapos makita ang mga anak ni Andi na cute na cute habang nagsisiksikan sa iisang higaan.

Para naman kay Andi, ang makita ang kanyang tatlong anak na magkakasama ang kanyang paboritong tanawin na makita.

“And then they were 3! My favorite sight to see,” sulat ni Andi sa caption.

Credit: Andi Eigenmann Instagram

Dagdag pa ni Andi, “This was an IG story that turned out to be too precious. Guess which one of them is really awake? Hint: all of them…. But Lilo.”

Mula nang i-post ni Andi ang napakagandang litrato ng kanyang tatlong anak, nakakuha na ito ng higit sa 300K na likes sa Instagram.

Umani naman ng maraming reaksyon mula sa netizens ang makulit at super cute na anak ni Andi na si Lilo.

Makikita kasi sa litrato na si Lilo lamang ang gising at nagpapanggap na natutulog tulad ng mga kapatid niya. Komento ng netizens:

Credit: Andi Eigenmann Instagram

“Lilo is very cheeky!”

“aww lilo will always be my favorite!!”

“Lilo is very energetic as always”

“Lilo will always a kulit one (cute). They are adorable babies”

Credit: Andi Eigenmann Instagram

“hahahahaha omg lilo is sooo cute”

Kamakailan lamang ay pinuri ni Andi ang kanyang ikalawang anak na si Lilo dahil isa itong mabuting kapatid sa kanyang nakababatang kapatid.

Ani Andi, “My little big sis Lilo! Oh my baby you’ll always be. It’s been a full day back home as a family of 5, and everyone has been great so far. Specially this one, who was instantly an amazing big sis.”

Ayon kay Andi, nagmana umano si Lilo sa kanyang ate Ellie na isa ring responsableng “ate” sa kanyang mga kapatid kahit pa sa kanyang murang edad.

Credit: Andi Eigenmann Instagram

Sa ngayon nga ay “looking forward” si Andi na makita ang magandang pagsasamahan ng kanyang mga anak.

Ani Andi, “She takes after Ellie! I am definitely looking forward to witnessing this siblinship and watching them grow together.”