Sweetness ni Angelica Panganiban at Gregg Homan, nangibabaw sa kalagitnaan ng kanilang cooking show

Kahit na’y anumang pagtago sa affection, hindi pa rin napipigilan ang pangingibabaw nito lalo na kapag sobrang in love ang isang couple sa isa’t-isa na napakanatural na ng nararamdamang kilig katulad na lamang ni Angelica Panganiban at Gregg Homan na kahit abala man sa kanilang ginagawa sa kusina, nakakatakas pa rin ang sweet na gestures at heart-fluttering na moments ng dalawa.

Credit: @iamangelicap Instagram

Sa latest na vlog na ibinahagi ng couple sa kanilang official na Youtube channel na “The Homans,” mapapanood ang paghahanda at paggawa nila ng Skillet-Roasted Lemon Chicken na ayon kay Angelica ay may “landian” umanong nangyayari.

Hindi naman literal na “landian” ang nangyayari sa kalagitnaan ng kanilang vlog ngunit hindi talaga napipigilan ng kanyang boyfriend na si Gregg na magpakita ng sweet na gesture katulad na lamang nang nangangati ang tenga ni Angelica habang abala sa paghiwa ng lemon. Sa walang pag-aalinlangan, kaagad na lumapit si Gregg at kinamot ang tenga ng girlfriend dahilan kung bakit kaagad na nag-freeze sa kinatatayuan si Angelica.

Ngunit hindi lamang doon natatapos ang hatid na kilig ng couple dahil pansin na pansin din ng netizens ang tinginan at pagsulyap ng dalawa sa isa’t-isa. Kahit na’y casual na nag-uusap tungkol sa hinahandang chicken bago ito ipasok sa oven, talagang ramdam na ramdam ng mga manonood ang romansang nakapalibot kay Angelica at Gregg.

At dahil alam ng karamihan sa atin ang experience ni Angelica tungkol sa aspetong pag-ibig kung saan ay ilang ulit siyang nasakt@n at ilang beses na nabigo, doble ngayon ang kasiyahan ng fans dahil sa wakas, mukhang nahanap na ng kanilang idolo ang forever nito.

Credit: The Homans YouTube

“Ganda ng vibes nyong mag jowa.Bakas s muka nyo ang happiness at contentment.Happy for you Angge na nkita mo rin ang THE ONE mo.You deserved both each other.God bless you TWO.”

“So happy for Angelica she found her happiness.”

“Greg seems like a nice guy, & one can tell how much she adores Angelica”

“Their body language & conversation with each other shows their mutual love & respect. Wishing you both the best️”

Credit: The Homans YouTube

Maliban dito, nabanggit din ng couple ang emosyonal na reaksyon ni Gregg sa pinakauna nilang ultrasound session.

“Alam mo ‘yung nakakaiyak? Nung nakita namin ‘yung first ultrasound namin. Iyon ‘yung nakakaiyak,” kuwento ng soon-to-be Daddy.

Kahit na’y hindi naman naka-focus sa kuwentong pagmamahalan ng dalawa ang mismong content ng kanilang ikalawang vlog, hindi pa rin mapigilan ng netizens na maaliw at kiligin sa treatment at bawat tinginan ni Angelica Panganiban at Gregg Homan. Sadya naman kasing nakakatunaw ng damdamin!