Tambalang Erich Gonzales at Enchong Dee, wala pa ring kupas; Unang episode ng “You. Me. Maybe.” umani ng magagandang komento

Maraming netizen ang nag-abang na sa unang episode ng YouTube mini-series nina Enchong Dee at Erich Gonzales na “You. Me. Maybe.” matapos ibahagi ng EnRich ang teaser video ng palabas.

Credit: Erich Gonzales Instagram

Teaser pa lang kasi ay kapansin-pansin na ang chemistry ng EnRich na gumanap bilang sina Gian at Gianna, mga pangunahing karakter sa series, na nawasak ang kanya-kanyang relasyon dahil sa [email protected]

Ayon sa teaser na ibinahagi ng EnRich sa kanilang YouTube channel na “ENRICH ORIGINALS”, ang “You. Me. Maybe.” ay kwento ng dalawang tao, sina Gian at Gianna, na nakahanap ng “comfort” at pag-ibig sa isa’t isa.

Credit: Erich Gonzales Instagram

Si Erich mismo ang nag-derek ng “You. Me. Maybe.” Sariling budget din nina Enchong at Erich ang  ginamit nila para i-produce ang mini-series.

Credit: Erich Gonzales Instagram

Maliban kina Enchong at Erich ay mapapanood din sa mini-series sina Arjo Atayde, Janella Salvador, Alex Medina at MJ Cayabyab.

Nagsimulang umere ang unang episode ng mini-series noong Sabado, September 19.

Samantala, maraming kasamahan nina Enchong at Erich sa showbiz ang nagpahayag ng kanilang suporta para sa “You. Me. Maybe.”

Kabilang rito si Queen of All Media Kris Aquino at ang kanyang bunsong anak na si Bimby na nagbahagi ng kanilang reaction video sa Instagram tungkol sa teaser ng “You. Me. Maybe.” at hinikayat ang lahat na panoorin ito.

Credit: Erich Gonzales Instagram

Ayon pa kay Kris, hindi raw kumukupas ang chemistry ng EnRich simula pa noong nagtambal sila sa Kapamilya teleserye na Katorse (2009).

Aniya, “The two have chemistry ’cause I think they grew up together. They worked together from the Katorse days.”

Credit: Erich Gonzales Instagram

Hindi naman inaasahan ng lahat na bibigyan ng pansin ni Kris ang ginamit na orange eyeshadow ni Erich sa palabas.

Sa reaction video ay sinabi ni Kris, “Tita Erich has orange eyeshadow. I shouldn’t say that.”
Tugon naman ni Bimby na mukhang nagulat din sa sinabi ni Kris, “Mom, i-edit n’yo ‘yun please…”

Humingi rin si Kris nang tawad kay Erich dahil sa komento niya sa “orange eyeshadow” na ginamit ni Erich sa palabas.

Ani Kris, “@erichgg we even made a mini-review for you-thanks for teaching me that on telegram we can send bigger files! Sorry-my orange eyeshadow my follow up pa sa review.”

Nagpasalamat naman si Erich kay Kris dahil sa walang sawang suporta nito sa kanila.

Credit: Erich Gonzales Instagram

Ani Erich, “Thank you very much for the suport Ate Kris and Bimb. I love you both so much.”

Si Enchong at Erich ay matagal nang mag-onscreen partner. Ilan sa mga teleserye at pelikula na pinagbibidahan nila ay Katorse, Once A Princess at I Do.