Tambalang Joross Gamboa at Roxanne Guinoo, pakikiligin muli ang kanilang mga tagahanga sa kanilang balik-tambalang sit-com project

Muling magpapakilig sa kanilang mga tagahanga ang tambalang Joross Gamboa at Roxanne Guinoo. Matagal-tagal na rin na hindi nagsasama sa isang proyekto sa telebisyon ang JoRox loveteam matapos silang mag-pokus sa kani-kanilang pamilya.

Credit: Joross Gamboa Instagram    

Kamakailan nga ay inanunsyo ng JoRox na muli silang magtatambal sa isang Kapamilya sit-com project.

Pinamagatang “Hoy! Love You!” ang bagong proyekto na pagsasamahan ng JoRox.

Pampamilya ang inihandang bagong sit-com ng JoRox. Hindi lamang ‘kilig’ ang hatid ng “Hoy! Love You!” kundi magandang storya rin na talaga namang tatangkilikin ng mga manonood.

Credit: Joross Gamboa Instagram

Kasama nila sa sitcom sina Dominic Ochoa, Carmi Martin, Keanna Reeves, Pepe Herrera, TJ Valderrama, Casey Santos, Aljon Mendoza at Karina Bautista.

Dahil nasa ‘new normal’ pa rin tayo kaya naman sasabak sa lock-in taping ang buong cast ng “Hoy! Love You!” at gaganapin ito sa isang resort sa Batangas.

Ang “Hoy! Love You!” ay nasa ilalim ng pamamahala ng direktor na si Theodore Boborol at subok ng producer ng mga sit-com na si Linggit Tan-Marasigan.

Credit: @roxanneguinoo Instagram

Para naman sa mga nagtatanong kung saan mapapanood ang “Hoy! Love You!”, ipapalabas ito sa iWant TFC channel.

Hindi naman makapaghintay pa ang mga tagahanga ng JoRox sa bagong proyekto na pagsasamahan ng kanilang iniidolong loveteam noon at magpahanggang ngayon. Pinuri ng kanilang mga tagahanga ang JoRox dahil sa walang kupas na ‘chemistry’ nila bilang mag-loveteam. Kahit ilang taon na kasi ang lumipas ay solid pa rin ang ‘chemistry’ ng JoRox. Komento nila:

“Grabe! bagay pa rin”

“Bagay padin kayong loveteam”

Credit: Joross Gamboa Instagram

“Kakilig pa din”

“Parang walang nagbago!”

Matatandaang huling napanood ang JoRox noong 2018 nang magsama sila para sa isang drama episode ng longest-running drama anthology sa telebisyon na “MMK”.

Credit: @roxanneguinoo Instagram

Sa mga hindi nakakaalam, sina Joross at Roxanne ay parehong nagsimula sa Kapamilya talent search na “Star Circle Quest”. Sila ang first batch ng nasabing variety show. Dati rin silang magkasintahan at taong 2006 nga ay naghiwalay din.

Credit: Joross Gamboa Instagram

Sa ngayon ay mayroon nang kani-kanilang pamilya sina Joross at Roxanne. Si Roxanne ay ikinasal noong 2011, samantalang si Joross naman ay noong 2014.