Tawag Ng Tanghalan 2018 champion na si Elaine Duran, emosyonal matapos sopresahin ng isang wedding proposal ng kanyang nobyo

Emosyonal ang “Tawag ng Tanghalan” champion na si Elaine Duran nang sorpresahin siya ng kanyang nobyo na si Richard Pengson ng isang wedding proposal sa kanilang latest vlog.

Credit: Wabu TV Instagram

Nito lamang August 1, ibinahagi nina Elaine at Richard sa kanilang YouTube channel na “Wabu TV” ang kanilang simple ngunit makabuluhang wedding proposal video.

Sa kanilang vlog, kapansin-pansin na walang ideya si Elaine sa planong pagpo-propose sa kanya ni Richard.

Credit: Wabu TV Instagram

Ang buong akala lamang kasi ni Elaine ay simpleng question and answer lamang ang magaganap sa kanilang bagong vlog content na “10 Questions for Elaine with a TWIST.”

Kaya naman labis na lamang ang pagkagulat ni Elaine sa huling bahagi ng kanilang tanungan nang bumulaga sa kanya ang isang wedding ring kasabay ng huling tanong ni Richard sa kanya na, “Will you marry me?”

Credit: Wabu TV Instagram

Walang pagdadalawang-isip at mangiyak-ngiyak naman na sumagot ng “yes” si Elaine sa tanong ni Richard.

Sa huling bahagi ng video ay kitang-kita ang kasiyahan sa mukha nina Elaine at Richard. Masaya ring ipinakita ni Elaine ang kanyang engagement ring.

Credit: Wabu TV Instagram

Samantala, sa simula ng vlog, ipinaliwanag ni Richard kung bakit mas pinili niyang sa bahay gawin ang kanyang wedding proposal para kay Elaine.

Ayon kay Richard, plano niya sanang sorpresahin si Elaine ng isang engagement party ngunit dahil sa l0ckdown at upang matiyak ang kaligtasan ng lahat ay minabuti na lamang niyang gawin ito sa bahay.

Credit: Wabu TV Instagram

“July 31, 2021 2:00 PM nakuha ko yung engagement ring namin. Supposedly I’m planning an engagement party for her but due to the l0ckdown constraint I was forced to do the proposal at home and to be safe na rin,” pahayag ni Richard.

Dagdag niya, “Ang alam lang ni Elaine is we’re going to do an interview vlog. The vlog was filmed at exactly 5:17 PM (3 hours after I got the ring).”

Credit: Wabu TV Instagram

Samantala, bumuhos ang congratulatory messages ng mga tagahanga ni Elaine na nakilala siya dahil sa “Tawag Ng Tanghalan” noong 2018. Komento nila:

“Di ko in expect yung sa dulooo, Congratulations to the both of youuu! Deserve niyo maging masaya together!”

Credit: Wabu TV Instagram

“It’s a match made in heaven. She deserves no less than the BEST things in life bcoz she is a beautiful human being inside and out.”

“Congrats elaine i’ve watched your journey since day 1 sa TNT, until now playing your songs, your a good singer”

Credit: Wabu TV Instagram

Ibinahagi naman nina Elaine at Richard sa kanilang vlog na kapwa nila gustong magpakasal sa simbahan.