Tawag ng Tanghalan Grand Champion na si Janine Berdin, proud sa malaking pagbabago ng kanyang itsura

Binulabog ni Kapamilya singer-songwriter Janine Berdin ang social media nitong Martes, October 6 dahil sa kanyang glow-up pictures.

Credit: ML Salon and Spa Facebook       

Sa Facebook post ni Mary Letim Ponce ng ML Salon and Spa ay pinasilip ni Janine ang kanyang new look. Makikita sa mga larawan na blooming na blooming ang batang mang-aawit sa kanyang purple ash hair.

Credit: ML Salon and Spa Facebook

Kahit dati nang maganda si Janine, ay kakaiba ang kagandahan nito ngayon dahil sa kanyang bagong kulay na buhok. Bukod sa kanyang purple ash hair, maraming netizen din ang nakapansin sa malaking pagbabago sa itsura ni Janine.

Credit: ML Salon and Spa Facebook

Maraming netizen naman ang pinusuan ang bagong itsura ni Janine. Samu’t saring komento rin ang ibinahagi ng netizens tungkol sa malaking pagbabago ni Janine. Komento ng netizens:

Credit: ML Salon and Spa Facebook

“Janine Berdin is the glow up I’m meaning to haveeeeee huhuhu”

“woah janine berdin is so beautiful””

“ang ganda ni Janine Berdin”

“Ganda nga ni Janine Berdin bagay sa kanya”

Credit: ML Salon and Spa Facebook

Samantala, sa panayam ni Janine sa writer na si Darla Sauler ay inamin niyang na-flatter siya dahil naging positibo ang reaksyon ng netizens sa kanyang makeover. Ipinahayag din ni Janine ang kanyang pasasalamat sa mga sumuporta sa kanyang bagong imahen.

Credit: JANINE BERDIN Instagram

Ani Janine, “Thank you sa mga Kapamilya diyan. Sobrang nakakatuwa po ‘yung comments n’yo po. Thank you for all the compliments. Nafa-flatter po ako sobra. Thank you po.”

Ikwenento rin ni Janine na masayang-masaya raw siya ngayon sa kung ano ang nakikita niya sa kanyang sarili. Inamin ni Janine na dati ay masyado siyang ‘self-conscious’.

Credit: JANINE BERDIN Instagram

Pag-amin ni Janine, “Kasi kapag hindi ka masaya sa sarili mo. Magre-reflect ‘yun. Kasi nakikita ko rin po sa mga post ko dati, mga videos ko parang nakikita ko rin gaano ako ka-self-conscious. And now, when I look at my photos, the videos I take. Ang saya ko na sa sarili ko.”

Tahasan namang sinabi ni Janine na kaya siya nag-glow up ay dahil hindi siya takot magbago. Payo niya sa lahat na pwede rin nilang baguhin ang isang bagay tungkol sa kanilang sarili na hindi sila masaya o hindi nila gusto.

Credit: JANINE BERDIN Instagram

Pahayag ni Janine, “Naging blooming po ako kasi hindi ako natakot mag-change. I think that’s everyone should keep in mind na we shouldn’t be afraid of change… If there’s something you don’t like about yourself and you’re not happy about it then you can do something to make yourself happy. Kasi you only live once. So, do things that make you happy. “

Dagdag ni Janine, “So, let’s not be afraid of change. Let us not condemn change. Kung may gustong mag-change ipa-change mo sila. Bahala sila, basta masaya sila.”

Credit: JANINE BERDIN Instagram

Unang sumikat si Janine nang tanghalin siyang kampeon sa segment show ng “It’s Showtime” na “Tawag ng Tanghalan” taong 2018.