Team Kramer, bumisita muli sa tinuturing nilang “home away from home”

Hindi lamang kasintahan o asawa ang maaaring i-date ngayong Valentine’s Day dahil suwak na suwak din ang kasiyahan at enjoyment kapag pamilya na ang kasama katulad na lamang ng pamilyang Kramer na talagang inseparable!

Credit: @dougkramer Instagram

Kilala naman ng karamihan na mahilig ang Team Kramer sa pagbabakasyon at pagbisita sa iba’t-iba’t lugar kaya naman maliban sa kanilang bonding moments na kinaaaliwan at pinanggigilan ng kanilang fans, sinusubaybayan at inaabangan din ang kanilang trips.

Kumakailan lamang nang nagpunta sa Batangas ang Team Kramer at nag-stay sa The Vineyard kung saan ay nag-swimming, picnic, nag-harvest ng grapes, at nag-enjoy sila sa pagje-jetski at ngayong buwan ng pag-ibig, Boracay na naman ang napiling destinasyon ng pamilya.

Bilang pag-iingat lalo na’t patuloy pa rin na tumataas ang mga p0sitibong kaso ng c0vid-19 ngayon, napili ni Chesca at Doug Kramer ang AirTrav Ph para sa ekslusibo nilang pagsakay ng eroplano papuntang Boracay. Sa kanilang excitement, talagang handang-handa na ang lahat dalawang oras bago ang kanilang flight na naka-schedule ng 6 AM.

“Yeah. Actually, very safe, especially now during the p@ndemic. You don’t get to sit with anybody else but your family member, your friends,” sabi ni Chesca.

Credit: @dougkramer Instagram

Nang nakarating sa Caticlan, dumaan muna sa iilang protocols ang Team Kramer bago sila tuluyang nakapunta sa The Lind, ang kanilang hotel na pamamalagian habang nasa Boracay.

“We are back at our home away from home, The Lind!” pahayag ni Doug.

Nang nakapasok sa kanilang room, nag-enjoy naman ang Team Kramer sa pagkain ng hinandang pastries at snacks ng resort lalo na ang bunsong anak ni Chesca at Doug na si Gavin na sobrang mahilig sa sweets.

Credit: @dougkramer Instagram

At dahil matagal-tagal din na pinagkaitan ang sarili dahil sumasailalim sa pagda-diet, hindi naiwasan ni Doug na subukan at tikman ang nakahandang cake.

“Oh my gosh, goodies! Yes, I’m gonna have one. It’s cheat day,” excited na aniya.

At dahil may pribadong pool sa kanilang room, kaagad na nag-swimming sina Kendra, Scarlett, at Gavin. Sa pagsapit naman ng tanghali, nag-enjoy naman sa pagkain ng pizza at carbonara ang Team Kramer.

Of course, hinding-hindi mawawala ang kanilang oras sa pagbo-bonding kung saan ay naglaro ang buong pamilya ng frisbee sa beach.

Unang araw pa lamang nila sa Boracay pero super dami nang nagawa ng Team Kramer. Talagang wala silang pinapalagpas na oras habang nasa Boracay!