Team Kramer, nag-enjoy sa kanilang bakasyon sa Boracay kasama ang kanilang buong pamilya!

Isa ang industriya ng turismo sa mga sektor ng lipunan na labis na naapektuhan ng p@ndemya. Maraming mga tourism spot, hotel at resort ang pansamantala munang nagsara bilang pagsunod sa mga ipinapatupad na community qu@rantine guidelines.

Credit: Doug Kramer Instagram  

Kabilang ang mga resort sa isla ng Boracay sa mga labis na naapektuhan ng p@ndemya. Makalipas naman ang ilang buwan ay unti-unti nang pinapayagan ang mga bakasyunista na pumunta sa isla ng Boracay.

Ngunit bago masilayan ang white sand beach at malinaw na tubig dagat ay kailangan munang dumaan ng mga turista sa mga test at mag-comply sa mga travel requirement.

Credit: Doug Kramer Instagram

Katulad na lamang ng pamilyang Kramer na sa unang pagkakataon mula nang magsimula ang p@ndemya ay nagbakasyon.

Pinili ng mag-asawang Chesca Garcia at Doug Kramer na magtungo sa isla ng Boracay kasama ang kanilang tatlong anak na sina Kendra, Scarlett at Gavin.

Malapit sa puso ng pamilyang Kramer ang mala-paraisong isla dahil dito unang nagkakilala sina Chesca at Doug. Kaya naman walang pagsidlan ang kaligayahan ng pamilyang Kramer dahil nakabalik sila sa isla.

Sa Instagram ni Chesca at Doug ay ibinahagi nila ang mga larawan nilang magpamilya mula nang nasa eroplano pa lamang sila patungong Boracay hanggang sa ini-enjoy na nila ang napakagandang isla.

Credit: Doug Kramer Instagram

Kasama rin ng pamilya Kramer ang kanilang buong pamilya — kabilang dito ang mga pamilya ng mga kapatid ni Chesca at mga kapatid ni Doug pati ang mga anak ng mga ito.

Nag-swimming at kumain ng mga masasarap na pagkaing Pinoy ang buong pamilya nina Chesca at Doug.

Credit: Doug Kramer Instagram

Sinulit talaga ng pamilya Kramer ang kanilang bakasyon sa Boracay dahil ani Chesca, noong mga nakaraang buwan umano ay parang isang panaginip lamang ang pagpunta ulit nila sa Boracay.

Aniya sa kanyang Instagram post, “Cherishing every moment that we thought might take a very long time to happen again. Many months back this seemed like a far-fetched plan and all we could do was reminisce on our family trips-wondering when will it happen again. Fast forward, we are very thankful that we got to do this and come back to the place that is very dear and special to us (this is where Doug and I met)…”

Ayon naman kay Doug, masaya sila na nakatulong sila sa turismo ng Boracay na labis na naghihirap ngayon dahil sa p@ndemya.

Credit: Doug Kramer Instagram

Aniya, “Talk about new norm! Travelling party of 31, all family! Lots of precautions and needed requirements before flying, but all worth it for your safety.”

Dagdag niya, “This will be our first vacation amidst the p@ndemic. But we’ll be glad to help an industry that’s been struggling nowadays… Everyone sooo excited to visit an island that’s so close to our hearts. Boracay, here we come! ❤️😍🏝️”