Team Kramer, nagbakasyon sa napakagandang resort na puno ng tanim na grapes!

Wala talagang makakatalo sa kasiyahan kapag pamilya na ang kasama mo bago matapos ang taon kaya naman napagdesisyunan ng Team Kramer na magbakasyon sa Batangas upang makabuo pa ng magagandang memories na habangbuhay nilang pahahalagahan.

Credit: Team Kramer YouTube

Sino ba ang hindi nakakakilala sa pamilyang Kramer? Isa lang naman ang “Team Kramer” sa mga pamilya sa showbiz na patuloy na sinusubaybayan ng karamihan dahil sa masasayang bonding nila.

Simula nang pinasok ang mundo ng pagva-vlog, hindi kailanman binigo ng Team Kramer ang kanilang fans kung masasayang moments lang naman ng pamilya ang pag-uusapan.

Dahil sa kagandahan ni Cheska Garcia at kagwapuhan ni Doug Kramer, talaga namang nananalaytay sa dugo ng kanilang mga anak na sina Kendra, Scarlett, at Gavin ang kanilang good looks. Sa katunayan, kinaaliwan pa nga ng netizens ang panganay nilang anak na si Kendra dahil sa pagiging kahawig nito kay Miss Universe 2018 na si Catriona Gray!

Bukod sa kanilang magagandang genes, labis din na hinahangaan ang Team Kramer dahil sa good vibes at inspirasyon na naibibigay nila sa kanilang fans kaya naman sa ilang taon nila sa vlogging, patuloy na dumadami ang kanilang subscribers.

Bago salubungin ang taong 2022, napagdesisyunan ni Doug at Cheska na magkaroon ng trip kasama ang mga anak sa isang resort sa Tanauan, Batangas.

Nang nakarating sa The Vineyard, hindi napigilan ni Doug na puriin kung gaano kaaliwalas at kaganda ang kabuuang lugar. Maliban sa kanya, labis din na nag-enjoy ang mga anak nila ni Cheska sa mini-arcade ng resort.

Credit: Team Kramer YouTube

Sobrang hilig sa stuffed toys, si Scarlett talaga ang nanguna sa paglalaro sa claw crane kung saan ay ibinibigay niya sa kanyang Ate ang napapanalunan niyang laruan habang abala naman sa arcade hoops si Gavin.

Ipinasilip din ng Team Kramer ang kanilang villa na sobrang linis, spacious, may living room at may sarili pang rooms sina Kendra, Scarlett at Gavin. Ang nagpalaglag pa ng panga sa netizens ay ang pagkakaroon nito ng sariling pool kaya talagang solo nila ito kapag magswi-swimming.

Credit: Team Kramer YouTube

Sa ikalawang araw naman ng kanilang stay sa The Vineyard, nag-enjoy ang buong pamilya sa pagpitas ng grapes.

“It’s our second day here in The Vineyard, Tanauan Batangas and what’s nice about this place is we can do grape picking and it’s harvest time for some areas,” ayon kay Doug.

Matapos mag-harvest ng grapes, nagkaroon naman ng picnic at naaliw sa pamimingwit ng isda ang Team Kramer sa malapit na shoreline.

Credit: Team Kramer YouTube

Talagang napaka-perfect na trip bago matapos ang taong 2021!