“The Gwapings” member na si Eric Fructuoso, nakapagtayo ng dalawang negosyo ngayong panahon ng p@ndemya

Isa sa mga aral na itinuro sa atin ng p@ndemya ay ang kahalagahan ng pagkakaroon ng savings o ekstrang pera para sa panahon ng krisis ay hindi tayo mamoblema.

Credit: @eric.fructuoso Instagram     

Ang pag-iinvest naman sa isang negosyo ay isa lamang sa mga paraan para magkaroon tayo ng karagdagang kita at ‘financial stability’.

Ngunit ang pagbubukas ng isang negosyo sa gitna ng p@ndemya ay maituturing na malaking hamon. Maraming negosyo kasi ang nagsasara dahil sa pagkalugi dahil sa epekto ng p@ndemya at narito ka magbubukas ng isang negosyo. Napaka-challenging, hindi ba?

Credit: @eric.fructuoso Instagram

Pero anila, ang pagnenegosyo ay isang pakikipagsapalaran. Para naman sa ilan, isang oportunidad na maituturing ang pagtatayo ng isang negosyo ngayong may p@ndemya.

Kabilang naman sa mga nakipagsapalaran sa pagbubukas ng isang negosyo ngayong may p@ndemya ang aktor na si Eric Fructuoso.

Credit: @eric.fructuoso Instagram

Ngayong panahon kasi ng p@ndemya ay dalawang negosyo ang naipatayo ni Eric. Noong nakaraang December 2020, unang binuksan ni Eric ang kanyang motorcycle shop na “Gwapings Moto” sa Naic, Cavite.

At nitong January 11, masayang ibinahagi ni Eric sa kanyang Instagram account na isang bagong negosyo na naman ang kanyang bubuksan.

“Opening ng first branch ng Gwapigs Porkchop January 16 Saturday sa Dagat-Dagatan, Caloocan,” bahagi ni Eric sa kanyang post.

Credit: @eric.fructuoso Instagram

January 16 nga ay binuksan ni Eric ang unang branch ng kanyang bagong negosyo na isang food business ang “Gwapigs Porkchop”.

Unang sumikat si Eric nang mapabilang siya sa sikat na male teen group noong dekada 90 na “The Gwapings”. Matatandaan na kasama ni Eric sa “The Gwapings” sina Mark Anthony Fernandez, Jomari Yllana at Jao Mapa. Una namang napanood ang “The Gwapings” sa sitcom nina Richard Gomez at Joey Marquez na “Palibhasa Lalake”.

Credit: @eric.fructuoso Instagram

Dahil din sa kanilang tinatamasang kasikatan ay nagkaroon ng sariling pelikula ang “The Gwapings” na “The Guwapings: The First Adventure” noong 1992.

Bukod pa rito ay nagkaroon din sila ng kanilang sariling TV show sa Kapuso network na “Guwapings Live” noong 1992 kung saan ay umere rin ng isang taon.

Credit: @eric.fructuoso Instagram

Kaya naman hindi na nakapagtataka kung bakit hango mula sa dati niyang grupo ang mga pangalan ng kanyang mga negosyo.

Credit: @eric.fructuoso Instagram

Si Eric ay 34 taong gulang na at may asawa at apat na anak.