Tuluyan nang nag-goodbye ang ‘The Voice Kids’ alumnus sa kanyang ‘teen-ager-days’ sa pagtungtong niya sa edad na 20 nito lamang May 24.
Credit: @darrenespanto Instagram
At para markahan ang kanyang 20th birthday, isang pasabog na sexy photoshoot ang ginawa ni Darren.
Trending ngayon sa social media ang Filipino-Canadian singer dahil sa kanyang mga litrato kung saan ibinida niya ang kanyang hot at seks!ng katawan!
Credit: @darrenespanto Instagram
Bago magtapos ang summer season, ibinida muna ni Darren ang kanyang summer beach body sa kanyang suot na puting sando na hapit na hapit sa kanyang katawan at isang puting jeans. Pinainit ni Darren ang online world sa kanyang mga letrato kung saan makikitang litaw na litaw ang kanyang muscle.
Credit: @darrenespanto Instagram
Ilang beses nang ibinida ni Darren an kanyang magandang katawan ngunit ngayon na 20 na siya ay mas mature at s3xy image na ang kanyang ipinapakita sa kanyang mga tagahanga. Talagang isang bagong Darren ang makikita ng mga netizen sa kanyang mga birthday picture na malayong-malayo sa kanyang imahen noon.
Umani naman ng maraming komento at papuri si Darren dahil sa kanyang napakagandang katawan ngayon. Maraming netizens ang hindi kinaya ang ipinapakitang hotness ni Darren sa kanyang mga letrato. Komento nila:
Credit: @darrenespanto Instagram
“Asia’s Pop Heartthrob! Grabeee ang h0t at gwapooo!!”
“Ang init bigla mas mainit na mas pinainit pa chaar hahahahaha”
“Luh siyaaaa! Nag twenty ka lang gumaganyan ka na ah Happy birthday! Love you!”
“grabe may pa braso Happy Birthday Darrenn I love youuuu”
Credit: @darrenespanto Instagram
“Wow…he’s definitely turned into a handsome man”
Ang bilis talagang lumipas ng panahon dahil noon ay kinagigiliwan pa ng netizens si Darren dahil sa kanyang cuteness. Ngayon naman ay naghahatid siya ng kilig sa marami dahil sa kanyang kagwapuhan at s3xy body!
Credit: @darrenespanto Instagram
Samantala, kamakailan lamang din nang pinainit ni Darren ang stage sa kanyang birthday performance sa Kapamilya Sunday variety show na “ASAP Natin ‘To”.
Sumikat si Darren matapos siyang itinanghal bilang first runner-up sa “The Voice Kids Philippines” singing competition noong 2014. Hindi man nakuha ni Darren ang titulong grand winner, nagtuloy-tuloy naman ang kanyang kasikatan dahil sa kanyang husay sa pagkanta at maging pagsayaw.