Kaliwa’t kanang milestone ang goal ni Pokwang ngayong 2023 at tila’y magsisimula naman ito sa pagtatapos ng kanyang ipinapatayong bahay sa Bataan!
Credit: @itspokwang27 Instagram
Kung komedyante lang naman pala ang pag-uusapan ay sobrang dami nito sa Pinoy showbiz pero kung phenomenal at versatile na aktres na may talento rin sa pagbibigay ng katatawanan? Aba’y si Pokwang na yata ‘yan dahil comedy o drama man, hindi naman niya tayo kailanman binigo sa quality ng kanyang pag-arte.
Tunay nga na hindi fair ang opportunities sa mundo ng showbiz kaya madalas talaga na napupunta sa bigating personalities ang malalaking projects kaya hindi talaga kataka-taka kung bakit sobrang fierce ng competition pero ibahin niyo si Pokwang dahil hindi na naman niya kailangan pa na makipagkompitensya dahil panalong-panalo na siya sa masa.
Credit: @itspokwang27 Instagram
Sa tuloy-tuloy na proyekto at opportunities na natatanggap ni Pokwang, nakakaipon talaga siya upang makapagtayo ng sarili niyang mga negosyo pati na rin sa pagbili ng properties. Sa katunayan, tila’y patapos na nga ang rest house na ipinapatayo niya sa Camaya coast sa Mariveles, Bataan.
View this post on Instagram
Matatandaang 2019 nang unang ibinahagi ng comedienne-actress sa publiko ang kagustuhan niyang makapagtayo ng beach house at matapos ang sampung taon na inilaan niya sa pagiging dedicated sa kanyang work, sa wakas ay nagawa niyang mapasimulan ang construction nito.
Makalipas ang tatlong taon, muling nagbigay ng update si Pokwang kung saan ay ipinasilip niya ang progress ng ipinapatayong bahay sa Bataan. Sa larawang ibinahagi niya sa kanyang IG story kumakailan lamang, makikitang tapos na ang construction ng bahay dahil kumpleto na ito mula sa mga bintana, gate wall tsaka may pintura na rin ito.
Credit: @itspokwang27 Instagram
“See you in 4 days our Camaya house 😘💗,” hint ni Pokwang.
Bagama’t kagagaling lamang sa mabigat na revelation sa breakup ng kanyang dating partner na si Lee O’Brian, hindi naman ito hinayaan ni Pokwang na maging hadlang sa excitement na nararamdaman niya ngayong ilang araw na lamang ay pwede ng tirhan at pagbakasyunan ang ipinapatayong bahay sa Bataan na siguradong swak na swak ngayong malapit na ang summer!