Tignan ang cute na Lapu-Lapu costume ng anak nila Marian Rivera at Dingdong Dantes na si Sixto

Ang buwan ng Agosto ay kilala bilang “Buwan ng Wika”. Samo’t saring aktibidad ang ginagawa sa loob o labas man ng paaralan para sa selebrasyon nito. Kabilang ang sabayang pagbigkas, pagsusuot ng mga tradisyonal na kasuotan at pag-gaya sa mga ‘National Heroes’ ng bansa.

Credit: @marianrivera Instagram

Proud na proud na ibinahagi ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ang isang larawan at maiksing video ng kaniyang anak na Sixto. Sa larawan ng kaniyang anak ay nagbihis ito bilang si ‘Lapu-Lapu’ para sa selebrasyon ng Linggo ng Wika sa buwan ng Agosto.

Bilang ‘Mini version’ ni Lapu-Lapu. Makikita sa mga kasuotan ni Sixto ang kampilan, kalasag at mga tattoo sa buong katawan nito. Hindi rin mawawala ang pag-gaya nito sa mahabang buhok ni Lapu-Lapu.

Sa isinuot na costume ni Sixto ay talaga namang lumitaw ang kagwapuhan ng celebrity kid at marami ang nagsabing kahit bata pa lang ay heartthrob na ito.

Sa maiksing video nito feel na feel ni Sixto ang kaniyang costume lalo na ang hawak nitong espada. Umaapaw din ang pagka-cute nito ng sabihin niyang “Ako si Yapu-Yapu” sa video.

Syempre nagpost din ang proud tatay nitong si Dingdong Dantes, pero hindi naiwasan nito na biruin ang kaniyang anak.

“Si Datu Puti,” pabirong bansag nito sa larawan ni Sixto kung saan ito ay nakanguso at tila nangangasim ang mukha.

Labis din ikinatuwa ng mga artista at netizens ang nakakagigil na ‘cutenes’ ni Sixto bilang ‘mini version’ ni Lapu-Lapu.

Credit: @marianrivera Instagram

Andyan ang kumento ni Celeste Tuviera na ninang ni Sixto, “Ay naku namaaaaaaaan…. Go ‘Yapu-Yapu’!! Love you inaanak!”

“Sobrang cute naman,” saad ni Teddy Manuel.

“Hello Mr. Yapu-Yapu! You’re adorable!!!!” kumento ni Lotlot de Leon.

“Oh my goodness! Yung puso ko natunaw na!” pakli ni Ana Feleo.

Credit: @marianrivera Instagram

At iba’t ibang kumento ng mga netizens:

“Ang anak ni Amaya”

“Ang cute at ang gwapo ni Yapu-Yapu.”

“Sixto is sooooooo lovable and very cute as well.. !!!”

“Cutest Yapu-yapu ever existed.”

“Grabe ang kakyutan.”

“hahaha made my day yapu-yapu… super duper cute”