Tignan ang cute na letrato ng magkapatid na Ria at Arjo Atayde noong mga bata pa lamang sila

Sobrang precious ng bawat araw na lumilipas kaya naman upang maalala ito sa habangbuhay, isang litrato ang sagot nito dahil binubuhay lang naman nito ang memories na mayroon tayo noong nakaraan.

Credit: @ria Instagram

Nanggaling sa pamilya ng celebrities lalo na’t si Slyvia Sanchez ang kanilang Mommy na sobrang sikat noong kanyang kapanahunan hanggang ngayon, natunghayan na ng publiko ang paglaki ng kanyang mga anak, especially si Arjo Atayde na pinasok ang mundo ng showbiz sa napakamurang edad. Bilang selebrasyon sa kanyang ika-10 taon bilang isang prominenteng aktor sa kanyang generation, hindi pinalagpas ng kanyang kapatid na si Ria na ipahayag ang kanyang saloobin at paghanga para sa kapatid.

Credit: @ria Instagram

Sa Instagram, binati ni Ria si Arjo sa panibagong milestone nito sa kanyang career sa showbusiness kalakip ng ibinahagi niyang dating larawan nila ng kapatid kung saan ay makikitang pareho silang nakatingin at nakangiti sa kamera habang pinipisil ang pisngi ng isa’t-isa.

“This dude marks his 10th year in showbiz today. What a beautiful 10 year career it has truly been!! 🥺 I am so proud of you and of everything you have achieved,” pahayag ng aktres.

Credit: @ria Instagram

Dagdag pa niya, “But among all the roles you’ve portrayed, my favorite would still have to be my brother because even with the craziness of everything else, that’s one thing you’ve never forgotten to do — to stay humble and to be the same Arjo you have always been.”

Sa touching na mensahe na ito ni Ria, kaagad na nag-comment si Arjo at masasabi naman na sobrang sweet pala niyang Kuya!

Credit: @ria Instagram

“Thank you wiwi! Could not have survived 10years without you. I love you wi.. thank you for being the best sister anyone could ask for. ❤️ solid,” komento ni Arjo.

Dahil sa pagiging adorable nila sa dating litrato, hinikayat ng aktres ang kapatid na magkaroon dapat sila ni Arjo ng remake na kaagad namang sinagot ng aktor ng, “and yes to remaking the photo 😂”.

Credit: @ria Instagram

Sobrang adorable at sweet sa isa’t-isa, hindi napigilan ng kanilang fans na mag-react at manggigil kay Arjo at Ria kaya naman marami sa kanila ang halos hindi na makapaghintay sa paggawa ng magkapatid ng remake sa kanilang dating larawan.

Sino pa ba ang kilala nating sweet na magkapatid sa showbiz dahil talagang nangunguna sa listahan si Ria at Arjo Atayde!