Tignan ang cute na letrato nila Janine Gutierrez at Mayor Vico Sotto noong mga bata pa sila

Talagang napakaliit ng mundo! Akalain mo na dati na palang magkakilala sina Janine Gutierrez at Vico Sotto?

Hindi napipigilan ang patuloy na paglipas ng panahon kaya madalas tayong napapatula at nagbabalik-tanaw sa mga pangyayari noon.

Credit: @ms.lotlotdeleon Instagram

Ngayon na isang ganap na dalaga na, hindi napigilan ni Lotlot de Leon ang mag reminisce sa mga panahong bata pa lamang ang kanyang panganay na si Janine Gutierrez.

Kilala bilang isang sikat at talagang tinitingalang aktres ngayon, patuloy na pinapatunayan ni Janine Gutierrez ang kanyang kahusayan sa pag-arte. Nagsimula man sa pagsunod sa yapak ng kanyang Mommy Lotlot, naging posible naman para kay Janine na makabuo ng sariling pangalan at reputasyon sa industriya ng showbiz.

Credit: @janinegutierrez Instagram

Sa matagumpay na pananatili ng aktres sa tuktok ng kanyang career, labis na lamang ang paghanga ng kanyang ina na isa sa mga kilala at mahuhusay na aktres noong kanyang henerasyon.

Bilang isang Mommy na nasaksihan kung paano napaunlad ng anak ang sariling career sa showbiz, hindi naiwasan ni Lotlot na makaramdam ng nostalgia.

Sabado, July 3 ngayong taon nang nagbahagi si Lotlot ng mga lumang larawan ni Janine kung saan ay makikitang umaarte ito para sa isang play sa kanilang paaralan.

Credit: @janinegutierrez Instagram

Noon pa man ay labis na ang pagmamahal ni Janine sa pag-arte at hindi naman maipagkakaila na isinilang siyang may talento sa larangan!

Hindi rin nakatakas sa atensyon ng netizens ang lalaking kasama ni Janine sa mga larawan at ang kanyang “leading man” na si Vico Sotto, ang kasalukuyang Mayor sa Pasig ngayon.

“Kay bilis ng panahon… ang aking panganay na laging kasama dati sa school play at ang kanyang leading man ay walang iba kundi ang napakahusay na Mayor ngayon ng pasig. ❤️Janine and Mayor Vico,” pahayag ni Lotlot sa kanyang caption.

Credit: @ms.lotlotdeleon Instagram

Marami namang netizens ang nagulat sa katotohanang matagal na palang magkakilala sina Janine at Mayor Vico at schoolmates pa nga sila noon!

Nakatadhana sa larangan ng pag-arte, isa na ngayong sikat na aktres si Janine habang si Vico naman, bagama’t hindi man pinasok ang industriya ng showbiz, hinahangaan naman siya ng mga kababayan dahil sa kanyang kahusayan sa pamamahala bilang Mayor ng Pasig.

Dagdag pa ni Lotlot, “Both meant to be great in their chosen careers! 💫 Napakasarap alalahanin at tignan! nakakaproud talaga! ❤️”

Credit: @ms.lotlotdeleon Instagram

“Mamaaaa 😂😂😂😂,” komento naman ni Janine na tila ba’y nahihiya.

“Thank you Tita @ms.lotlotdelon ! Last appearance ko po bilang artista yung play na to 😂,” komento naman ni Mayor Vico.

Magkahiwalay man ng landas na tinahak, pareho namang kilala sina Janine at Mayor Vico dahil sa kahusayang patuloy nilang ipinapamalas.