Normal lamang para sa magkakapatid na mag-asaran at mag-pull ng pranks dahil oddly, ito ang pamamaraan ng karamihan upang ipakita ang kanilang pagmamahal para sa isa’t-isa katulad na lamang sa magkapatid na Guidicelli na hindi lamang purong kasiyahan ang nangyari sa naging bonding ng kanilang pamilya sa beach dahil sa paandar ng nakababatang kapatid ni Matteo Guidicelli sa kanyang Kuya.
Credit: @matteog Instagram
Isa si Matteo Guidicelli sa mga sikat na aktor sa lokal na industriya ng showbiz at kahit na’y tough man ang kanyang personalidad kapag nasa harap ng kamera o sa tuwing nakikita sa telebisyon, mahina rin pala siya pagdating sa pranks.
Sa pagtatapos ng buwan ng Mayo, napagdesisyunan ng pamilyang Guidicelli na magpunta sa beach upang makapag-bonding at makapag-relax ngunit talagang hindi makukumpleto ang araw kapag walang nagyayaring prank sa pagitan ni Matteo at ng kanyang nakababatang kapatid na si Paolo.
View this post on Instagram
Sa video na ibinahagi ng aktor sa kanyang Instagram kalakip ng mga larawan sa kanilang bonding moments sa beach, mapapanood na abala si Matteo sa ginagawa nang pasikreto siyang nilapitan ni Paolo at nilagyan ng umang, isang umang na kadalasang nakatira sa buhangin, sa likod na kaagad siyang kinagat dahilan kung bakit napahiyaw siya sa s@kit.
Credit: @matteog Instagram
Kaagad naman na lumapit ang asawa ng aktor na si Sarah Geronimo upang tanggalin ito sa likod ni Matteo habang napapatanong ng “Oh no, Paolo. What did you do?” sa kalagitaan ng kanyang pagtawa.
Samantala, maririnig naman ang hagikhik ni Paolo habang humihiyaw sa magkakaibang lenggwahe ang kanyang nakatatandang kapatid at napapaaray sa s@kit.
Credit: @matteog Instagram
Dahil sa nakakatawang prank na ito ni Paolo at sa naging reaksyon ni Matteo, kaagad naman itong pumatok at kinaaliwan ng netizens.
“HAHAHAHAHAHAHHA the iconic prank 😂”
“Hahahahahahaha ramdam ko s@kit nun ah!”
Credit: @matteog Instagram
“Hahaha nag mixed na ang agay ni mat bisaya tagalog english haha cute 😂”
“HAHAHAHAHAHAHAHAHA So funnnnny.”
“@pguidicelli stop bu|ly!ng your kuya 😂”
Credit: @matteog Instagram
Kahit na’y na-prank ng kapatid, patuloy naman sa pag-eenjoy sa bawat moment ang aktor kasama ang asawa at pamilya sa beach.