Ibinahagi ng comedian actress na si Regine Angeles ang larawan nilang mag-iina sa kaniyang Instagram post nitong linggo.
Credit: @regineangeles Instagram
Si Regine at ang kaniyang mga anak ay naka matching outfits pa sa magandang kulay rosas, binanggit niya sa naturang post ang pasasalamat sa @twiloph para sa kanilang get up mag-iina.
Ayon sa kaniyang caption, “Sunday’s best!💕 Thank you @twiloph for our matching clothes!🥰”
Credit: @regineangeles Instagram
Kinagiliwan naman ng mga netizen ang kanilang napaka-cute na letrato. Maging ang aktres na si Charee Pineda ay nagkomento sa post ni Regine.
Ayon kay Charee, “Cute nyo!!”
Nag-iwan din naman ng komento ang kumpanya ng @twiloph sa naturang post ng aktres at nagpasalamat sa pagshare ng kanilang letrato sa publiko.
“happy Sunday @regineangeles and kiddos!! Thanks for sharing”
Credit: @regineangeles Instagram
Dahil hindi kasama sa naturang larawan ang ama ng tahanan na si Van Leaño ay nagbiro ang isang netizen at sinabing, “Such a beautiful family talaga! Di ba naki matchy matchy si @vanleano?”
Sumagot naman sa naturang komento si Regine at sinabing ayaw sumama sa matching clothes ang asawa dahil KJ ito.
Nito lamang Oktubre ng nakaraang taon ay isinilang ni Regine Angeles ang kanilang ikalawang anak ng asawang si Van Leano. Sa pagkakataong ito naman ay isang malusog na baby girl ang ipinanganak niya sa pamamagitan ng normal delivery.
“Hello world! Gave birth via normal delivery last night (Oct 31) to our baby girl Kaia Rosalie at 10pm. Thank you so much @thejavismd for helping me get through this kahit na ang laki laki ni baby 🥰 Thank you Lord for this wonderful blessing! “ saad niya sa caption ng kanyang Instagram post nang ibahagi niya ang balita sa tungkol sa kaniyang panganganak.
Credit: @regineangeles Instagram
Buwan bago ito, ibinahagi nila ang kanilang baby gender reveal sa kanilang instagram account din, pinakita nila ang isang clip kung saan pinutok niya ang lobo.
Credit: @regineangeles Instagram
Si Regine Angeles at Van Leaño ay nauna nang nabiyayaan ng lalaking anak bilang kanilang panganay.