Tignan ang emosyonal na pamamaalam ng pamilya nila LJ Moreno at Jimmy Alapag sa kanilang paglipat sa Amerika

Malungkot na inanunsyo nina LJ Moreno at Jimmy Alapag ang kanilang pag-alis sa bansa upang manirahan sa Amerika.

Credit: Alapag Family Fun Facebook        

Sa kanilang pinakabagong vlog, ay naging emosyonal ang celebrity couple matapos magkuwento kung paano nila napagdesisyunan na umalis muna pansamantala sa bansa.

Dahil umano sa epekto ng p@ndemya sa takbo ng basketball career ni Jimmy kaya napagdesisyunan nila LJ at Jimmy na manirahan muna sa Amerika. Maliban dito ay gusto rin daw makasama ni Jimmy ang kanyang ama na matanda na.

Credit: Alapag Family Fun Facebook

Kwento ni Jimmy, “It’s been a strange six months, to say the least. Going through everything this past few months, LJ and I talked about what will be the next step for our family — what was gonna be happening as far as the basketball landscape in Manila. Again with this p@ndemic, my dad just turned 82 this June. It was very important for us to be closer to family. We came to a decision to move back to the States for the meantime.”

Credit: Alapag Family Fun Facebook

Nagpaliwanag naman si LJ kung bakit hindi nila inanunsyo ang pag-alis nila sa bansa noong nasa Manila pa sila.

Aniya, “And if you’re wondering why we didn’t do that while we’re still in Manila, it was just — there’s so much going on. First, I got pregnant. Then we had a miscarriage. But we wanted to share with you guys that we did decide to leave. For those of you that know me, I’ve been very vocal that I didn’t really wanna move to the States — at least not yet.”

Credit: Alapag Family Fun Facebook

Ayon kina LJ at Jimmy, pareho nilang mahal ang Pilipinas dahil dito nila nakilala ang isa’t isa, binuo ang kanilang pamilya at nahanap ang kanilang panganay na si Ian na adopted son nila.

Credit: Alapag Family Fun Facebook

Para naman kay Jimmy, ang desisyon niyang pumunta sa Pilipinas ang isa sa mga pinakamaganda desisyong nagawa niya sa kanyang buhay.

Credit: Alapag Family Fun Facebook

“I know for me it’s a been such a growth in the last nineteen years. Thinking about my situation when I first came to Manila and just really being so young, naive about life. I think we’ve all been at that age where we just haven’t experienced life yet. It was the absolute, best decision I ever made to come to Manila, to back home and play. I’m so thankful,” ani Jimmy.

Credit: Alapag Family Fun Facebook

Samantala, nilinaw naman ni LJ na may pag-asa pa rin naman daw na bumalik sila sa Pilipinas. Sa ngayon, ang pag-alis umano sa bansa ang pinakamainam nilang desisyon na gawin.

Credit: Alapag Family Fun Facebook

Ani LJ, “Just to make it clear, we’re not closing our doors. It’s just right now because of the current situation. This is the best thing to do for us. And we did really pray about it.”