Tignan ang inihandang kakaibang surprise baby shower para sa TV personality na si Joyce Pring

Nitong nakaraang May 8, ibinahagi ng celebrity host na si Joyce Pring sa kaniyang Instagram account ang ibibigay sa kaniyang surpresang baby shower

Credit:Β @joycepring Instagram

Sa kaniyang Instagram post, ibinahagi ni Pring sa netizens ang kaniyang naramdaman nang surpresahin siya sa isang drive-by baby shower.

“We got the best surprise baby shower” Saad ni Joyce sa kaniyang caption.

Ayon pa sa kanya, lubusan niyang nararamdaman ang nag-uumapaw na pagmamahal na makukuha ng kaniyang panganay na lalaki mula sa kaniyang mga kaibigan at pamilya.

Credit:Β @joycepring Instagram

“My son, you are so SOOOO loved! You aren’t even Earth-side yet but our friends and fam are already flexing just how much effort they’re willing to extend just to show their love and excitement for you!!! πŸ˜­πŸ’™πŸ’™πŸ’™”

Sa pagkakaalam ni Joyce, magkakaroon lamang sila ng isang virtual baby shower. Kung kaya’t, making gulat ng celebrity host na asawa ni Juancho Trivino, nang makita na mayroon palang isang masayang drive-by activity ang naghihintay sa kanya.

Credit:Β @joycepring Instagram

“I thought it was just going to be a simple Zoom baby shower but my bestfriends, VCM fam, and Ninang arranged a drive-by surprise baby shower for our little growing family; transformed our house, asked our closest family and friends to show love from a distance by decorating and honking their cars, then dropping off their gifts – then for those who weren’t able to attend, they made a Zoom party (with matching program pa!) πŸ₯³ at may pa giveaways pa. πŸ˜…”

Credit:Β @joycepring Instagram

Sa naturang post, pinasalamatan ni Joyce ang mga tao tumulong sa likod ng naging surprise baby shower.

“Grabe lang. We’re so blessed by you guys @justinebenitez @rona.baguio @danaevernisse @cathy_ebuen THANK YOU!!! We praise God for youuu! And we love you 😭πŸ₯ΊπŸ₯°”

Kilala si Joyce Pring bilang isang TV personality at host. Noong 2011 ay pinalad siyang manalo sa MYX VJ Search na naging daan para maging VJ siya ng naturang music channel.

Credit:Β @joycepring Instagram

Noong February 9, 2020 ay nakipag-isang dibdib si Joyce sa aktor na si Juancho Trivino sa garden ng Sofitel Philippine Plaza Manila.