Tignan ang ipinagmamalaking bahay ni Kiray Celis sa Tagaytay na may napakagandang view!

Masayang ibinahagi ng actress/comedian na si Kiray Celis ang house tour ng bago nilang bahay sa kanyang Facebook page.

Credit: Kiray Celis YouTube

Una n’yang ipinasilip ang isa sa mga kwarto ng nasabing bahay. Makikitang malawak ito at simple lamang ang pagkakaayos.

“Gusto kasi ni Papa simple lang,” wika ni Kiray.

Credit: Kiray Celis YouTube

Sinabi din ng aktres na wala pa masyadong gamit doon kaya electric fan muna ang inilagay at wala pa ding laman ang cabinet.

Ipinakita din n’ya ang maganda at malawak na confort room sa loob ng nasabing kwarto. Sunod n’yang pinuntahan ang kabilang kwarto ngunit ipinakita niya muna ang painting sa hallway na ayon sa kanya ay binili nila sa Antique.

Credit: Kiray Celis YouTube

Ayon kay Kiray, naroon ang kanyang boyfriend at kapatid sa kabilang kwarto at hindi pa sila nakakapag ayos kaya’t humingi agad siya ng pasensya kung hindi man maayos madatnan ang nasabing kwarto.

“Wala pa kaming gamit dito. Ayan, medyo magulo pa ’yung kwarto namin,” paliwanag ni Kiray.

Credit: Kiray Celis YouTube

Dahil pare-pareho lang ang istilo ng mga kwarto, sunod na ipinakita ng actress/comedian ang kanilang sala na nasa itaas na bahagi ng bahay kung saan nadaanan niya muna ang napakalawak na kusina at makikitang abala ang kanyang ina sa pagluluto.

Credit: Kiray Celis YouTube

Sa sala, ipinakita ni Kiray ang mga laruan o pinaglilibangan ng kanyang mga pamangkin. Sinabi niyang pareho lang ang sala nito sa bahay nila sa Maynila.

Makikita din dito ang kanilang dining area na may mahabang hapag-kainan.

“Gusto ko kasi sabay-sabay talaga kami kumakain. Masarap kasi diba ‘pag sabay-sabay,” ani Kiray.

Credit: Kiray Celis YouTube

Sa gilid na bahagi makikita ang veranda na ayon kay Kiray ay pinakamagandang view sa lahat.

“Paglabas mo, eto ‘yung makikita mo,” wika nito habang ibinabahagi ang kagandahan ng paligid.

Credit: Kiray Celis YouTube

Makikita mula rito ang Taal Volcano sa gitna ng lawa na napapaligiran ng mga puno’t halaman. Dahil mataas ang kinaroroonan ng nasabing bahay, abot tanaw ang makapal na ulap na naglalarawan kung gaano kalamig at kasariwa ng hangin sa nasabing lugar.

Credit: Kiray Celis YouTube

“Talagang ‘pag nakita mo ‘yung view, talagang mawawala ang problema mo,” kwento ni Kiray.

“Life is so beautiful and so are we,” pagtatapos nito sa nasabing vlog.

Sa dulo ay ini-reveal sa video na prank lamang ang ginawang house tour ng aktres at ang bahay na ipinakita niya ay hindi niya pagmamay-ari kundi bahay na nirentahan lamang nila sa Tagaytay.