Tignan ang mala-fairy tale na 22nd birthday celebration ng aktres na si Jane de Leon

Nagmistulang isang prinsesa mula sa isang fairy tale ang Kapamilya actress na si Jane de Leon sa kanyang ika-22 taong kaarawan.

Credit: @iamjanedeleon Instagram     

Ngayong taon, pinili ni Jane na magdaos lamang ng isang intimate dinner party na may temang fairy tale para sa kanyang kaarawan.

Kabilang sa mga dumalo sa kanyang kaarawan ang kanyang pamilya at ilang malalapit na kaibigan.
Sinigurado naman ni Jane na lahat ay dumaan sa mga ipinapatupad na health prot0col at t3st para masigurado ang kaligtasan ng lahat ng dumalo sa kanyang birthday party.

Credit: @iamjanedeleon Instagram

Pinusuan naman ng maraming netizens ang mga magagandang larawan na ibinahagi ni Jane sa kanyang Instagram account na kuha mula sa kanyang fairy tale-themed birthday party.

Kitang-kita sa mga larawan na kinunan ng Nice Print Photography na glowing at masayang-masaya ang aktres sa kanyang birthday celebration.

Credit: @iamjanedeleon Instagram

Kabigha-bighani rin ang aktres sa suot niyang simple ngunit eleganteng white birthday gown.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by J A N E (@imjanedeleon)

Ayon naman kay Jane, pakiramdam niya ay nakatira siya sa isang fairy tale dahil sa kanyang napakagandang birthday party.

Credit: @iamjanedeleon Instagram

Agaw-pansin din sa mga larawan ang desenyo ng venue ng birthday party ng aktres. Nakadagdag sa fairy-tale at romantic vibe ang nakapalibot na magagandang bulaklak. Maging ang dining table setup ay napakaganda rin dahil sa mga bulaklak at kandila na nakalagay dito.

Credit: @iamjanedeleon Instagram

Hindi naman kataka-taka kung bakit naging magical ang venue ng kanyang birthday party dahil likha ito ng Filipino international florist at event stylist na si Gideon Hermosa.

Sa mga hindi nakakaalam, suki na si Gideon ng mga artista na gustong gawing Instagrammable ang venue na pagdadausan nila ng mga espesyal na okasyon.

Credit: @iamjanedeleon Instagram

Dahil nga sa ganda ng lugar ay mas lalong tumingkad ang taglay na mala-prinsesang kagandahan ni Jane.

“Living in a fairytale. Thankful for this wonderful intimate birthday dinner,” ani Jane sa caption ng kanyang Instagram post.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by J A N E (@imjanedeleon)

Noong November 22 pa ang ika-22 taong kaarawan ni Jane ngunit ipinost lamang niya sa kanyang Instagram account ang mga larawan nitong December 3.

Credit: @iamjanedeleon Instagram

Samantala, kamakailan lamang ay kinumpirma ng ABS-CBN na tuloy na tuloy pa rin ang pagganap ni Jane bilang bagong “Darna”.

Ayon naman sa ABS-CBN, sa halip na movie adaptation ay mapapanood na ang “Darna” sa telebisyon sa susunod na taon.