Tignan ang mala-palasyo sa laki at gandang ‘White House’ sa Baguio ni Joel Cruz a.k.a. ‘The Lord of the Scents’!

Isa sa pangunahing atraksyon para sa mga turista na bumibisita sa Baguio City partikular na sa sikat na Camp John Hay ay ang kamangha-manghang White House ni Joel Cruz a.k.a. ‘The Lord of Scents.’

Credit: Oliver Austria YouTube

Dahil sa laki at taglay na kagandahan at karangyaan ng bahay, imposibleng hindi nito maagaw ang inyong atensyon.

Malugod namang tinanggap ni Joel ang netizens sa kanyang bahay kamakailan nang imbitahan niya ang sikat na arkitekto at vlogger na si Llyan Oliver Austria para silipin ang indoor at outdoor design at amenities nito.

Credit: Oliver Austria YouTube

Sinimulan ni Llyan ang house tour sa garage area ng bahay kung saan kasya ang 10 sasakyan. Tinatayang nasa 3,000 square meters ang lawak ng bahay at talagang agaw-pansin ito sa mga dumaraan dahil sa napakataas nitong istruktura. Apat na palapag ito at isa sa mga kapansin-pansin sa bahay ay ang isang glass tower na mayroong spiral staircase at isang napalaking cascading crystal chandelier.

Ipinaliwanag ni Llyan na “eclectic” o pinaghalong modern, rustic, country at industrial ang uri ng disenyo na in-apply ng nagdisenyo ng bahay ni Joel na si late Architect Ruben Payumo.

Credit: Oliver Austria YouTube

Pagpasok sa double entrance doors ng bahay, bubungad kaagad ang marangyang nterior design nito at nakakalulang high ceiling. Habang sa lounge/reception area pa lamang, hindi na maikakailang si Joel nga ang nagmamay-ari ng bahay dahil sa ilang naka-display na Afficionado perfume products.

Credit: Oliver Austria YouTube

Royalty feels naman ang hatid ng main sala ng bahay na victorian-era inspired ang desenyo. Samantala, mayroong 26-seater table ang dining area ng mansyon at isang private dining area na mayroong 10-seater dining table. Mula naman sa industrial kitchen ng bahay, dumadaan ang mga pagkain sa isang food elevator.

Credit: Oliver Austria YouTube

Kwento ni Llyan, ipinagawa ang bahay para maging vacation house ng pamilya ni Joel kaya naman nagkalat sa bahay ang ilang paintings at larawan ni Joel kasama ang kanyang pamilya at 8 anak.

Credit: Oliver Austria YouTube

May 11 kwarto ang bahay, 8 rito’y tinatawag na deluxe room at ang desenyo’y mahahalintulad sa isang hotel at kumpleto sa amenities tulad ng bathtub, shower room at walk-in closet. Mayroon din itong mini bar at 2 queen-sized bed.

Samantala, tinatawag na presidential suite ang kwarto ni Joel na pinakamalaki at pinakamarangya sa lahat ng kwarto sa kanyang bahay. Executive suite naman ang tawag sa kwarto ng kanyang ina. Tulad ng ibang kwarto sa loob ng bahay, bongga rin ang desenyo at amenities nito!

Credit: Oliver Austria YouTube

Kaharap lamang ng terrace ng bawat kwarto ay ang napakaaliwalas at relaxing view ng golf course. Perfect naman para sa magpamilya o magbarkada ang cinema room ng bahay na mayroong 16 lazy boy chairs at magandang sound system.

Credit: Oliver Austria YouTube

Bukod sa cinema room, mayroon ding gym, salon at spa area at swimming pool ang bahay ni Joel.