Mala-royal wedding ng taon ang katatapos lamang na kasal ng aktres na si Ara Mina at ni Philippine International Trading Corporation (PITC) Undersecretary Dave Almarinez.
Credit: @therealaramina Instagram
Ginanap ang engrandeng kasal nina Ara at Dave kahapon, June 30, sa Alphaland Baguio Mountain Lodges Chapel sa Baguio City.
Sa Instagram page ng Nice Print Photography na siyang official photographer ng kasal nina Ara at Dave ay makikita ang ilang magagandang letrato kuha mula sa kanilang wedding ceremony.
Ayon sa ilang lumabas na report, star-studded ang kasal nina Ara at Dave na dinaluhan ng ilang malalaking pangalan sa showbiz at politika.
Credit: @niceprintphoto Instagram
Ilan sa mga nakasaksi sa pag-iisang dibdib nina Ara at Dave sina Sunshine Cruz, Barbie Imperial, Melissa Ricks at Jessa Zaragoza. Kasama rin umano sina boxing champ at Sen. Manny Pacquiao, Sen. Cynthia Villar, Sen. Bong Go at ang mag-asawang sina Sen. Ralph Recto at actress-turned-politician Vilma Santos sa mga kinuhang ninong at ninang sa kasal nina Ara at Dave.
Sinigurado naman nina Ara at Dave na sumunod sila sa lahat ng safety protocols, kaya naman ang lahat ng kanilang bisita ay dumaan muna sa sw@b t3st at nakasuot din ng face mask at face shield bago dumalo sa kanilang kasal.
Samantala, umani ng maraming papuri mula sa netizens ang napakagandang wedding dress ni Ara na gawa ng fashion designer na si Leo Almodal.
Nagmistulang isang tunay na royalty si Ara sa kanyang Baroque Rococo inspired princess ball dress bridal gown.
Credit: @niceprintphoto Instagram
Ayon naman kay Leo, ang bridal gown ni Ara ay “intricately handcrafted and fully crystallized to perfection.”
View this post on Instagram
Kitang-kita naman talaga sa magagandang wedding pictures ni Ara na bagay na bagay at talagang perfect sa kanya ang kanyang bridal gown!
Agaw-pansin din ang suot na suit ni Dave na masterpiece naman ng kilalang Pinoy designer na si Francis Libiran.
Credit: @niceprintphoto Instagram
Matatandaang na-engage sina Ara at Dave noon lamang January. Sa kanyang Instagram post noon ay inilarawan ni Ara si Dave bilang sagot sa kanyang mga panalangin.
“Dave, thank you for being my answered prayer. Thank you for not giving up on me. You are the reason why we have stronger days together. God led us to each other for a greater purpose. Let us both live it with faith and love. Yes, I will marry you!” ani Ara.
Credit: @niceprintphoto Instagram
Si Ara ay mayroong isang anak sa kanyang dating partner na si Patrick Meneses na si Amanda Gabrielle. At base sa mga lumabas na ulat, kasama si Patrick sa mga dumalo sa kasalan nina Ara at Dave.