Tignan ang masayang advance birthday celebration ni Sarah Lahbati kasama ang pamilya sa isang exclusive island resort

Isang intimate italian dinner party ang inihanda ng pamilya at mga kaibigan ni actress-model Sarah Lahbati para sa kanyang ika-27 taong kaarawan nitong Biyernes, October 2.

Credit: @sarahlahbati Instagram

Maagang ipinagdiwang ni Sarah ang kanyang kaarawan ngayong taon kasama ang kanyang asawa na si Kapamilya actor Richard Gutierrez at dalawang anak na sina Zion at Kai sa isla ng Balesin.

Credit: @sarahlahbati Instagram

Sa Instagram ay nagbahagi ng ilang larawan si Sarah na kinunan mula sa naganap na birthday celebration. Caption ng post ni Sarah, “Early birthday celebration with this sweet bunch. Thank you, achi @chemistpinkytobiano, kuya @robles.juancho and @piannesinfuego”

Credit: @sarahlahbati Instagram

Sa mga larawan ay makikitang masayang-masaya si Sarah sa tabi ng kanyang asawa at mga anak. Sa isa pang larawan, ay kapansin-pansin ang matamis na tinginan nina Sarah at Richard sa isa’t isa.

Credit: @sarahlahbati Instagram

Ibinahagi rin ni Sarah ang isang solo picture niya suot ang kanyang birthday dress. Napakaganda ni Sarah sa suot na dress na gawa ng sikat na Filipino fashion designer na si Mark Bumgarner.

Credit: @sarahlahbati Instagram

Kapansin-pansin sa mga larawan na sobrang nag-enjoy si Sarah sa isla dahil bukod sa kanyang birthday celebration ay nakapag-bonding at bakasyon din siya kasama ang asawa at mga anak.

Credit: @sarahlahbati Instagram

Sa isang hiwalay na Instagram post, ay litaw ang kaseksihan ni Sarah suot ang kanyang swimsuit habang nasa dagat karga-karga ang kanyang bunsong anak na si Kai.

Credit: @sarahlahbati Instagram

Nag-horseback riding din si Sarah kasama ang panganay na si Zion. Caption ni Sarah sa IG post, “Best weekend”

Credit: @sarahlahbati Instagram

Talagang sinamantala ng actress-model at wife ang pagkakataon na makapag-relax at makapag-enjoy sa napakagandang isla.

Credit: @sarahlahbati Instagram

Sa kanyang naunang post, inamin ni Sarah na kahit hindi pa umano niya birthday ay labis ang kanyang nararamdamang kasiyahan dahil sa pagmamahal na ibinibigay sa kanya ni Richard.

 

View this post on Instagram

 

best weekend with the fam 🤍

A post shared by SLG (@sarahlahbati) on

Ani Sarah sa caption, “it’s not even my birthday yet and i feel so loved.”

Credit: @sarahlahbati Instagram

Sa October 9 pa ang totoong kaarawan ni Sarah ngunit pinili nilang magdiwang nang maaga.

Bumaha naman ang birthday messages mula sa mga kaibigan at tagahanga ni Sarah sa comment section ng kanyang post. Anila:

Credit: @sarahlahbati Instagram

“Happy Birthday beautiful Sarah”

“Happy early birthday beautiful (inside and out) ate Wishing you nothing short of the best – sending constant love and light to you and your love ones”

“advance happy birthday to the loveliest woman I know”

Credit: @sarahlahbati Instagram

“Gandang lahi naman talaga happy birtday georgeous”

Si Sarah Alzol Lahbati-Gutierrez ay isang Filipino-Moroccan actress-model. Una siyang sumikat nang sumali at maitanghal na Ultimate Female Survivor sa ika-5 season ng Kapuso talent show na ‘StarStruck’ taong 2010.