Tignan ang masayang bakasyon sa beach nila Dianne Medina at Rodjun Cruz kasama ang anak na si Joaquin!

Isa ang pagbabakasyon sa mga paraan upang mapalawak ang pag-unawa ng isang bata sa mundo. Madalas nagiging daan ang mga bakasyon ng magpamilya para unti-unting madiskubre ng mga bata ang mga bagay na hindi pa nila nararanasan o nakikita.

Credit: Dianne Medina Ilustre Instagram

Maganda ring bonding ng magpamilya ang pagbabakasyon ngunit dahil sa p@ndemya hindi na ito nagagawa ng ilan sa atin.

Kaya naman sobrang sinulit talaga ng celebrity couple na sina Dianne Medina at Rodjun Cruz ang kanilang unang bakasyon kasama ang kanilang napakagwapong anak na si baby Rodolfo Joaquin Diego III. Pinili nina Dianne at Rodjun na magbakasyon sa isang beach resort sa Nasugbu, Batangas.

Credit: Dianne Medina Ilustre Instagram

Makikita naman sa Instagram account ng celebrity couple ang ilang nakakatuwang larawan nilang magpamilya habang ini-enjoy ang kanilang beach vacation.

Sa isang larawan seksing-seksi si Dianne sa suot niyang swimsuit habang si Rodjun ay ibinida ang kanyang magandang katawan sa suot na sando at beach shorts. Cute na cute naman si baby Joaquin sa kanyang beach outfit.

Nagpasalamat naman si Dianne dahil nabigyan silang magpamilya ng oras para makapagbakasyon.

Ani Dianne, “Baby Joaquin’s First Out of Town Trip ❤️❤️❤️ @babyjoaquinilustre @rodjuncruz Thank you Lord for everything 🙏🏻”

Kahit maikli lamang ang naging bakasyon nina Dianne at Rodjun kasama si baby Joaquin ay kapansin-pansin naman na naging memorable at masaya ito.

Credit: Dianne Medina Ilustre Instagram

Kinaaliwan din ng maraming netizens ang TikTok video nina Dianne at Rodjun habang nasa beach.
Marami ang kinilig sa celebrity couple dahil sa kanilang walang kupas na ka-sweetan at husay sa pagsasayaw.

Sa panahong isinusulat ang artikulong ito, libu-libong tao na ang nakapanood ng TikTok video ng mag-asawa na ibinahagi ni Rodjun sa kanyang Instagram account.

“Tiktok sa beach w/ wife wife @dianne_medina habang nag nap si @babyjoaquinilustre 😄🏝☀️💘,” caption ni Rodjun sa video nila ni Dianne.

Credit: Dianne Medina Ilustre Instagram

Narito naman ang ilang komento ng netizens sa TikTok video “beach edition” ng celebrity couple.

“500x kuna ito napanood sobra sobra tlga ang kilig ko sa mag asawa n to😍”

“Ganda talaga ni Diane. She’s always been my favorite.❤️”

“Galing sumayaw lovely couple”

Samantala, nito lamang February 10, ipinagdiwang nina Dianne at Rodjun ang ika-5 buwang gulang na kaarawan ni baby Joaquin.

Credit: Dianne Medina Ilustre Instagram

Isang nautical theme celebration ang inihanda ng celebrity couple. Sa kani-kanilang Instagram account, ibinahagi nina Dianne at Rodjun ang mga cute picture ni baby Joaquin na nakasuot ng isang sailor outfit.

Credit: Dianne Medina Ilustre Instagram

Matatandaan na noong September 10, 2020 isinilang ni Dianne ang unang anak nila ni Rodjun. Noong December 2020 naman ay bininyagan si baby Joaquin kasabay ng unang wedding anniversary nina Dianne at Rodjun.