Tignan ang mga cute na letrato ng apat na buwang gulang na bunsong anak nila John Prats at Isabel Oli

Isa sa mga celebrity kid na kinagigiliwan ng maraming netizens ang bunsong anak nina Isabel Oli at John Prats na si Baby Lilla Forest dahil sa ubod na ka-cute-tan nito.

Credit: @isabeloliprats Instagram    

Unti-unti na ngang lumalaki si Baby Forest at nitong November 17 lamang ay ipinagdiwang nina Isabel at John ang pagtungtong nito ng apat na buwang gulang. Sa kani-kanilang Instagram account ay binati nina Isabel at John ang kanilang bunsong anak.

Credit: @isabeloliprats Instagram

Sa kanyang Instagram, ay ibinahagi ni Mommy Isabel ang isang cute photo ni Baby Forest. Kagaya ng ibang mga celebrity parent ay isang cute monthly photo shoot din ang isinagawa ni Isabel.

Cute na cute si Baby Forest sa kanyang suot na customized white onesie at isang yellow shorts.
Pinasadya talaga ang onesie ni Baby Forest dahil may nakalagay pa itong “baby forest” sa gitna.
Naglagay din si Mommy Isabel ng isang letter board sa gilid ni Baby Forest na may nakasulat na “four months”. Ang ganda-ganda naman ni Baby Forest sa suot niyang yellow headband.

Credit: @isabeloliprats Instagram

Makikita rin sa mga larawan na namana ni Baby Forest sa kanyang Daddy John ang may kasingkitan niyang mga mata.

Sa sariling Instagram account naman ni Baby Forest ay ibinahagi naman ng celebrity couple ang isa pang cute at pretty photo ni Baby Forest. Sa pagkakataon na ito ay white and blue naman ang motif ng outfit ni Baby Forest. Makikita rin sa larawan ang isang hugis 4 na cake kung saan nakalagay ang pangalang “Lilla”.

Credit: @forestprats Instagram

Simple at sweet naman na ang caption ni John sa mga cute photo ni Baby Forest. Ani John, “Happy 4 months my angel @forestprats”

Bumuhos naman ang pagbati ng ilang tagahanga nina Isabel at John para kay Baby Forest.

“Happy 4th princess!!”

Credit: John Prats Instagram

“She is cute and pretty baby”

“So cutie”

“Happy 4th month, baby Forest.”

March ngayong taon ay ibinalita nina Isabel at John na inaasahan nila ang pagdating ng kanilang ikatlong anak. Ipinanganak naman ni Isabel noong July 17 si Baby Forest.

Credit: John Prats Instagram

Sina Isabel at John ay ikinasal noong Mayo 16, 2015. Ang mag-asawa ay may dalawa pang anak, si Lily Feather na isinilang noong 2016, at ang kanilang anak na lalaki na si Daniel Freedom na dumating naman noong 2018.