Isang tradisyon na para sa mga artista na tuwing sila ay nagbubuntis ibinabahagi nila sa social media ang kanilang baby bump pictures. Isa rito ng actress-vlogger na si Andi Eigenmann. Mahilig si Andi na kumuha ng mga baby bump picture para magsilbing alaala ng kanyang pagbubuntis.

Sa katunayan, nitong October 4 ay ipinakita ni Andi sa kanyang Instagram followers ang ilang larawan ng kanyang lumalaking tiyan. Makikita din sa mga larawan ang kanyang napakacute na anak na si Lilo.
Sa caption ng kanyang IG post, inamin ni Andi na medyo nahirapan siyang ipagdiwang ang kanyang pagbubuntis sa gitna ng p@ndemya.

Ani Andi, “Taking bump pics just because! Did this regularly with Lilo and I enjoy looking back and having those photos as memories. But now as much as this pregnancy has been feeling much easier in a lot of ways, I feel like I haven’t been “celebrating” it as much.”

Dagdag ni Andi, “It’s hard to celebrate anything nowadays. Specially with our family being a part during such a special time in our lives.”

Gayunpaman, sinisigurado ni Andi na kahit sa simpleng pagkuha ng mga baby bump picture ay na-eenjoy niya ang kanyang pagbubuntis at naipaparamdam niya sa kanyang anak ang kanyang pagmamahal.

Kwento ni Andi, “So making it a point to enjoy and cherish these moments in our own little way because truly, baby 3 is a blessing to our fam and we cannot wait to welcome you into this world. You keep us hopeful little one, and we love you very much! #23weekspregnant.”

Samantala, dino-dokumento rin ni Andi ang kanyang pregnancy journey sa kanyang YouTube channel na “Happy Islander”. Ilan sa mga vlog na ibinahagi ni Andi sa kanyang YouTube channel ay ang kanyang “prenatal workout routine at 2nd trimester must-haves”.

August ngayong taon nang inanunsyo ni Andi sa kanyang vlog ang kanyang pagbubuntis. February 2021 naman nakatakdang manganak si Andi sa ikalawang anak nila ng partner na si Philmar Alipayo, ang una ay si Baby Lilo .

Pangatlong anak na ni Andi ang pinagbubuntis dahil mayroon din siyang anak sa dating kasintahan na si Jake Ejercito na si Ellie.