Isa ngayong proud Momma si Roxanne Barcelona!
Bukod sa pagiging isa sa mga kilalang personalidad sa industriya ng showbiz at mahusay na singer ay isa na ngayong mommy si Roxanne sa una nilang anak ng asawa.
Credit: @roxannebarcelo Instagram
Kilala ngayon si Roxanne Barcelo bilang isang aktres na mahusay pagdating sa surpresa. Puno ng surpresa ang kanyang buhay simula Disyembre noong nakaraang taon. Noon pa man ay talagang ibinabahagi na ng aktres ang bawat kaganapan sa kanyang buhay dahilan para updated ang kanyang fans pero pagdating sa aspeto ng kanyang love life ay mas pinili niyang gawin itong confidential.
Credit: @roxannebarcelo Instagram
“Alam naman ng lahat ng tao na I like to share too much. I always like to share. But this time, I really have to respect his decision to stay private,” sabi ni Roxanne sa isang interview.
Credit: @roxannebarcelo Instagram
Disyembre noong nakaraang taon nang ikinasal si Roxanne sa kanyang non-showbiz na boyfriend. Marami ang nagulat nang bigla na lamang siyang nagbahagi ng mga larawan sa kanyang kasal sa Instagram. Bukod dito ay labis din na na-curious ang karamihan dahil hindi ibinunyag ni Roxanne ang pangalan ng kanyang asawa. Hindi rin niya ipinakita ang mukha ng asawa sa anumang larawan.
Credit: @roxannebarcelo Instagram
Enero ngayong taong 2021 nang inanunsyo ni Roxanne ang kanyang pagbubuntis sa unang anak nila ng asawa. Muli ay marami ang nagulat at nasiyahan para sa kanya sa anunsyo na ito.
“We are very excited to have this baby,” sabi ni Roxanne sa kanyang vlog.
Marso nang nagsimulang magbahagi si Roxanne ng mga larawan sa ginawang maternity shoot. Sobrang blooming at sexy niya pa rin habang nagbubuntis na sobrang hinangaan ng netizens.
Credit: @roxannebarcelo Instagram
Lunes, June 7 nang nag-post ang aktres ng larawan sa kanyang Facebook page kung saan ay nasa hospital siya at makikitang karga niya ang isang baby boy. Kinumpirma niya sa isang Story Highlight sa Instagram na noong Mayo 22 niya isinilang ang anak na kung tawagin niya na si baby “Cinco”.
“Here’s to the rest of our lives,” pahayag niya sa kanyang caption.
Credit: @roxannebarcelo Instagram
Hunyo 27 nang nagbahagi ulit si Roxanne ng mga larawan ng anak bilang selebrasyon sa pagtungtong nito sa unang buwan. Marami naman ang nacute-an sa anak ni Roxanne at isa na nga nito ay sina Marian Rivera, Alex G. Lopez, Sam Pinto, at marami pang iba.
“I love you.🐼,” sulat ni Roxanne bilang caption nang muling nagbahagi ng mga larawan kung saan ay makikitang karga niya ang anak at pareho silang nakangiti sa kamera.
Credit: @roxannebarcelo Instagram
“What a beautiful mama and adorable baby 😍,” komento ng modelong si Monika Sta. Maria.