Hindi maipagkakaila na mahilig sa surpresa ang couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo dahil hindi lamang isa o dalawa ang ibinahagi nilang malalaking balita kumakailan lamang kundi ay tatlo!
Credit: @dennistrillo Instagram
Isa ang DenJen sa mga kilalang couple sa mundo ng showbiz. Nasa harap o likod man ng kamera, kailanman ay hindi nila binigo ang kanilang fans at supporters pagdating sa pagpapakilig. Talagang winner sina Dennis at Jennylyn sa aspetong ito.
Sa loob ng pitong taong pagsasama bilang isang couple, patuloy pa rin na pinagtitibay ng pagmamahalan ni Dennis at Jennylyn ang kanilang relationship.
Matapos ang dalawang magkakasunod na rebelasyon at balita, muli na namang ginulat ni Jennylyn at Dennis ang karamihan nang nagkaroon sila ng intimate wedding na ginanap sa backyard na makikita sa larawan na kasalukuyan ngayong kumakalat sa social media.
Makikita na parehong nakasuot lamang ng simple at stylish na puting suit ang couple pero hindi pa rin maipagkakaila kung gaano sila ka-elegante sa ceremony ng kanilang kasal.
Credit: Jennylyn Mercado Facebook
Lunes sa gabi, November 15 nang ibinahagi ni Jennylyn sa kanyang opisyal na Facebook account ang nasabing larawan pero matapos ang ilang minuto, kaagad itong binura ng aktres pero dahil isa itong malaking balita lalo na’t pareho silang kilala ni Dennis sa industriya ng showbiz, kaagad itong nag-viral.
Nagpaabot naman ng pagbati at nagpabatid ng magagandang mensahe ang kanilang fans dahil matapos ang napakahabang panahon nilang pagmamahalan, ngayon ay ikinasal na ang kanilang iniidolong couple!
Nagsimula sa rumors nang nagkaroon ng “medical emergency” si Jennylyn sa kalagitnaan ng kanyang lock-in taping sa pagbibidahang teleserye na “Love. Die. Repeat,” hindi naman nagtagal nang kinumpirma ng couple ang usap-usapan tungkol sa pagbubuntis ng aktres sa anak nila ni Dennis at opisyal itong inanunsyo sa publiko.
Kaagad naman na nakaramdaman ng kasiyahan ang kanilang fans dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng karamihan ang katotohanang matagal na rin na nais ni Dennis at Jennylyn na magkaroon ng anak at matapos ang ilang taon na pangangarap, sa wakas ay natupad na rin ito.
Credit: @dennistrillo Instagram
Ngunit hindi lamang dito natatapos ang surpresa ng couple dahil Biyernes, November 29 nang muli nilang napasaya ang fans sa balitang engaged na sila matapos ang sweet na wedding proposal ni Dennis.
Isa lamang si Jennylyn at Dennis sa mga couple na nakahanap ng tunay na pagmamahal sa isa’t-isa matapos magkrus ang kanilang landas sa showbiz at sa mahabang panahon na pagsasama, simula ngayon ay magkasabay nilang sasalubungin ang bawat araw na dadating sa kanilang buhay bilang mag-asawa.