Tignan ang mga letrato ng pag-iisang dibdib ng celebrity couple na sila Carla Abellana at Tom Rodriguez

Hindi napigilan ng masamang panahon ang pag-iisang dibdib nina Carla Abellana at Tom Rodriguez. Talagang naging daan sa pagmamahalan nina Carla Abellana at Tom Rodriguez ang industriya ng showbiz.

Credit: @teampatdy Instagram

Hindi na bago sa pandinig ng netizens ang parehong artista na nagkakahulugan ng loob pero bibihira lamang sa mga ito ang nagtatagal. Isa na nga sa showbiz couples na talagang pinabilib ang karamihan dahil sa patuloy at tumitibay nilang pagsasama ay sina Carla at Tom.

Credit: @teampatdy Instagram

Taong 2014 nang opisyal na inanunsyo ng dalawa ang kanilang romantikong relasyon sa publiko. Bagama’t mahigit pitong taon na ang kanilang relasyon ay nananatili pa rin ang wagas na pagmamahalan ng dalawa. Dahil dito, isa sila sa mga hinahangaang couples sa showbiz.

Credit: @teampatdy Instagram

Minsan na rin nakatanggap ng mga katanungan tungkol sa usapang kasalan sina Carla at Tom lalo na’t ilang taon na rin silang nagsasama bilang magkasintahan kaya nang inanunsyo ng dalawa ang kanilang engagement nito lamang Marso, labis na lamang ang naramdamang tuwa ng kanilang fans.

Credit: @teampatdy Instagram

Matapos ibahagi ang mga larawan nila kuha sa ginawa nilang prenup photoshoot, sa wakas ay nangako na rin sa harap ng altar sina Carla at Tom.

Credit: @teampatdy Instagram

Sa mismong araw na ito, Sabado, October 23 nang ikinasal sina Tom at Carla sa San Juan Nepomuceno Parish Church sa Batangas. Sa kabila ng masamang panahon, talagang nangibabaw ang wagas na pagmamahalan ng couple at itinuloy ang kanilang pag-iisang dibdib.

Credit: @teampatdy Instagram

Noon pa ma’y pareho nang kilala dahil sa kanilang good looks, mas glowing ngayon si Carla sa suot niyang wedding gown na gawa ni Monique Lhuillier, isang sikat na fashion designer. Samantala, mas lalo rin na gumwapo si Tom sa suot niyang suit na gawa ni Francis Libirian.

Credit: @teampatdy Instagram

Bagama’t nasa kalagitnaan man ng p@ndemya, sinigurado naman nina Carla at Tom ang pagsunod sa health pr0tocols kung saan ay maliban sa kanilang pamilya, imbitado rin ang iilan sa kanilang mga kaibigan sa showbiz.

Credit: @teampatdy Instagram

Simula nang inanunsyo ang kanilang relasyon, talagang todo suporta na ang ibinibigay ng kanilang fans. Bagama’t pareho man na abala sa kani-kanilang proyekto o trabaho sa showbiz, hindi naman ito naging hadlang para sa dalawang nagmamahalan na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez na pagtibayin pa ang kanilang relasyon.