Tignan ang mga nakakatuwang letrato ni Coleen Garcia kasama ng kanyang “Mr. Man” na si Amari

Talagang hindi mapaglinlang ang genes kasi kitang-kita naman kung gaano kagwapo ang baby boy ng mag-asawang si Coleen Garcia at Billy Crawford!

Credit: @coleen Instagram

Simula nang ipinakilala ng couple si baby Amari sa publiko, halos hindi na magkamayaw ang netizens sa pagbibigay ng papuri dahil sa taglay na kagwapuhan nito. Kahit na’y baby pa lamang, hindi na maipagkakaila na kuhang-kuha talaga niya ang visuals ng mga magulang kaya sobrang dami ang natutuwa at naaaliw sa tuwing nagbabahagi ang kanyang Mommy Coleen ng mga adorable niyang larawan sa social media.

Kung noon ay solo ni Coleen ang kanyang posts sa Instagram, ngayon naman ay puno na ito ng mga larawan ni baby Amari katulad na lamang nang nagbahagi ang aktres ng picture kung saan ay makikita ang kanyang baby boy na abala sa kinakain at parang distracted pa’t hindi nakatingin sa kamera.

At dahil sobrang cute tingnan ni baby Amari habang may natitirang pagkain sa kanyang labi, hindi mapigilan ng kanyang Mommy Coleen na mapatitig at mapangiti sa moment na ito ng anak.

Credit: @coleen Instagram

“Mr. Man can feed himself tyvm 💁🏻‍♀️,” sulat ng aktres sa kanyang caption.

Dahil sa kanilang candid na larawan, marami talaga ang naaliw sa kanila. Isa na nga sa mga ito ay ang asawa ng aktres at ang Daddy ni baby Amari na si Billy Crawford na nagkomento ng, “That’s ma big man! So adorable the both of ya!”

Maliban sa adorable na mga larawan ni Coleen at baby Amari, nagbabahagi rin ang aktres ng maiikling videos kung saan ay mapapanood at matutunghayan kung gaano kalambing ang kanyang anak.

“Malambing 24/7 🥰 I live for this,” pahayag ni Coleen.

Credit: @coleen Instagram

Nito lamang, ibinahagi rin ng celebrity Momshie na gustong-gusto ni baby Amari sumakay ng escalator kung saan ay dahil sa kakulitan ng kanyang baby boy, pinagpawisan talaga ito habang pabalik-balik sa escalator.

Credit: @coleen Instagram

“I guess the escalator’s fun… until someone makes you ride it up and down like 26574126280 times. 🥴 Swipe to see Amari get happier and happier while I get sweatier and sweatier,” ayon kay Coleen.

Credit: @coleen Instagram

Sa nag-uumapaw na kakyutan ni baby Amari, hinding-hindi talaga siya pagsasawaan ng lahat lalo na’t sa bawat araw na lumilipas at kapag matagal na tititigan ang kanyang mga larawan, mas kapansin-pansin perpektong blend sa visuals ng kanyang parents!