TIgnan ang naging bakasyon ni Nadine Lustre at boyfriend na si Christophe Bariou sa France

Walang epekto ang winter ngayon sa France sa sweetness ng couple na si Nadine Lustre at Christophe Bariou!

Credit: @nadine Instagram

Bagama’t nasa spotlight man at isa sa mga sikat na aktres sa kanyang henerasyon, mas minabuti ni Nadine Lustre na manatili sa isla ng Siargao upang i-enjoy ang buhay bilang isang normal na tao. Sa ilang taon niyang pamamalagi sa showbiz at pagiging busy sa trabaho, naisipan ng aktres na panahon na rin para sa kanya na bigyan ng atensyon ang sarili.

Of course, kahit na’y pansamantala ngayong wala sa showbiz, patuloy pa rin siyang sinusubaybayan ng netizens lalong-lalo na ng kanyang fans. Bagama’t marami man ang nalungkot sa hiwalayan nila ni James Reid, mas marami naman sa netizens ang natuwa para sa aktres nang kinumpirma niya sa Instagram nito lamang January na may namamagitan nga sa kanila ni Christophe Bariou, isang Filipino-French na noon ay ‘rumored BF’ niya.

Credit: @nadine Instagram

Matapos ang ilang buwan niyang pananatili sa Siargao, napagdesisyunan na rin ni Nadine na magbakasyon sa France kasama ang kanyang beau na si Christophe. Sa kanilang ‘winter vacation,’ sumubok ng iba’t-ibang activities sa ice ang couple kung saan ay sobrang nag-enjoy sila sa pagski-ski, pagsakay sa ski lift, at nag-try ng masasarap na French delicacies katulad na lamang ng raclettes sa Val-d’Isère, isang sikat at perfect na resort sa pagski-skiing.

Credit: @nadine Instagram

Kahit na’y nasa France ngayon, nagbibigay pa rin ng update ang aktres sa kanyang Instagram account kung saan ay patuloy siya sa pagbabahagi ng nakakamanghang landscape. At dahil kasama niya ngayon ang boyfriend sa trip, talagang may picture ang dalawa na labis namang kinakikiligan ng fans ng aktres at kahit ni Kianna Valenciano na nagkomento ng, “Y’all make a very handsome couple if I do say so myselfffff”.

Bagama’t sobrang lamig man ngayon sa France, kayang-kaya pa rin ni Nadine na mag-slay sa suot niyang bikini. Sa isang b&w na larawang ibinahagi niya sa Instagram, makikitang nakatalikod ang aktres habang mababasa sa caption ang, “brb”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 小宮希美 🤍 (@nadine)

Maliban sa kanilang skiing at food trip, pinagkaguluhan din ng fans ni Nadine ang post niya sa Instagram kung saan ay makikita sa larawang ibinahagi niya ang mga magagandang mata ng boyfriend na may nakakakilig na caption na, “studying his freckles like they’re constellations”.