Tignan ang naging enjoy na bakasyon ng pamilya nila Marian Rivera at Dingdong Dantes sa beach

Wala talagang mas isasaya pa kapag ipinagdidiwang natin ang ating kaarawan kasama ang pamilya kaya naman hindi pinalagpas ng pamilyang Rivera-Dantes ang pagkakataon na ipagdiwang ang birthday ni baby Sixto sa Palawan.

Credit: @marianrivera Instagram

Maliban sa kanilang nakakamanghang visuals, labis din na hinahangaan ng karamihan ang mag-asawang si Marian Rivera at Dingdong Dantes dahil sa kabila ng kanilang busy na schedule lalo na’t pareho silang nasa industriya ng showbiz, nagagawa pa rin nila na makapaglaan ng oras para sa kanilang mga anak na sina Zia at baby Sixto.

Sa pagsapit ng ikatlong kaarawan ng kanilang bunsong anak, napagdesisyunan ng Team Rivera-Dantes na magbakasyon sa Palawan upang makapag-bonding.

Sa Instagram, ipinahayag ng aktres ang kanyang sweet na mensahe para sa kanyang birthday boy kalakip ng mga larawan ng kanyang bunsong anak na makikitang nakasuot ng summer hat habang nag-eenjoy sa ilalim ng araw at naglalaro sa buhangin.

“Happy happy birthday to my sweetest boy, Sixto! 🥳 I’m so happy to see you grow and learn everyday ☺️ You bring so much joy into our lives. Please don’t grow up too fast! Love you anak! ♥️,” mensahe ni Marian.

Credit: @marianrivera Instagram

Kaagad naman na inulan ang post ng aktres ng pagbati galing sa fans at kapwa celebrities.

“Happy birthday❤️,” pagbati ni Angel Locsin.

“Happy Birthday, Sixto! 😊🎂🍦🎈💕🥰,” sabi ni Manilyn Reynes.

“Happy happy Birthday Inaanak ko!!!! ❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️ I love you ❤️❤️❤️❤️❤️,” ayon sa komedyanteng si Boobay.

Credit: @marianrivera Instagram

“Happy birthday Sixto ❤️,” pagbati naman ni Kelly Misa-Fernandez.

Ilang araw matapos ang mismong kaarawan ni baby Sixto, isa na namang party ang hinanda ng kanyang mga magulang para sa kanya dahil isa lang namang vibrant na “PJ Masks” ang theme kung saan present ang mascots na talaga namang kinagiliwan ng bunsong anak ni Marian at Dingdong.

Punong-puno ang buong lugar ng green, asul, at red na mga kulay kaya naman sobrang gandang tingnan ng decorations. Of course, present din ang inflatable slide sa party kung saan ay makulit na nakipaglaro si baby Sixto kasama ang kanyang “PJ Masks” squad.

At dahil espesyal para kay Sixto ang celebration na ito, nagkaroon ng duet ang mag-ama na si Dingdong at Zia sa stage.
Dahil sa dobleng celebration ng kanyang birthday, talagang kitang-kita sa mukha at expression ni baby Sixto ang nag-uumapaw niyang kasiyahan.