Tignan ang naging kahanga-hangang training noon ni Liza Soberano bago niya bitawan ang role bilang Darna

Isa ang aktres na si Liza Soberano sa mga may pinakamagandang mukha ngayon sa telebisyon. Maliban sa magandang mukha ay isang mahusay na aktres din si Liza.

Credit: Liza Soberano Instagram       

Kaya naman napili si Liza na gumanap bilang bagong “Darna” noong 2017 bilang kapalit ng aktres na si Angel Locsin. Matatandaang inanunsyo noong 2015 ni Angel na hindi na niya gagawin ang pelikula dahil pinagbawalan siya ng kanyang doktor bunsod ng kanyang iniindang spinal cord !njury.

Credit: Liza Soberano Instagram

Sa kasamaang palad naman ay nag-withdraw din si Liza sa kanyang role sa pelikula dahil sa kanyang finger !njury na nakuha niya nang bumida siya sa Kapamilya drama series na “Bagani” noong 2018.

Noong nakaraang taon ay inanunsyo ni Liza na hindi na niya gagawin ang pelikula dahil hindi pa gumagaling ang kanyang finger !njury. Sa parehong taon din ay inanunsyo ng Star Cinema na ang papalit kay Liza ay ang aktres na si Jane de Leon.

Credit: @erwin.tagle.mma Instagram

Mahigit isang taon naman ang makalipas matapos siyang mag-backout sa kanyang “Darna” role ay muli na namang naging usap-usapan ang pagganap ni Liza bilang Darna.

Credit: @erwin.tagle.mma Instagram

Ito ay matapos mag-viral ang ibinahaging video ng mixed martial arts fighter na si Erwin Tagle sa kanyang Instagram kung saan ay mapapanood si Liza na gumagawa ng iba’t ibang action stunts. Si Erwin ay kabilang sa stunt team na nagsanay kay Liza para sana sa nalalapit niyang “Darna” role.

Credit: @erwin.tagle.mma Instagram

I-pinost din ng Facebook page na “LizQuen” ang video na ibinahagi ni Erwin kung saan umani ito ng libo-libong reaksyon.

Sa video, makikita ang kakaibang angas at kamangha-manghang liksi ni Liza habang ginagawa ang mga action stunt na talaga namang mahuhusay na action stars lamang ang nakakagawa.

Credit: @erwin.tagle.mma Instagram

Kitang-kita sa ekspresyon ng mukha ni Liza ang ‘gigil’ habang ginagawa ang mga action stunt. Hindi tuloy maiwasan ng maraming netizens na manghinayang dahil hindi natuloy ang pagganap ng aktres bilang Darna. Sa mga ipinakitang action stunts umano ni Liza ay ‘perfect’ sana siyang maging si Darna.

Narito ang ilang sa mga komento ng netizens sa video ni Liza:

“Perfect for that darna role liza ,hopefully to see you in action movies 😍..i was amazed that this pretty face doing this stunts so fiercely and superbeautiful😘”

Credit: @erwin.tagle.mma Instagram

“Wow she could have been the best darna talaga! Galing ng fight scenes, just imagine liza on those fight scenes wearing the Darna” costume. SUPERB!!!♥

Credit: @erwin.tagle.mma Instagram

“OMG 😍😘 Perfect na tlg susunod sa yapak ni #angellocin gling ng Fight scenes… Hnd lng puro pa cute oh pagpapaganda.. 😍😘😍😘😍😍😘”