Tignan ang naging masayang bakasyon ni Liza Soberano kasama ang kasintahang si Enrique Gil sa isla ng Siargao

Matapos kilalanin bilang isa sa mga may pinakamagandang mukha hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo noong nakaraang 2020, ipinakita naman ngayon ni Liza Soberano sa kanyang mga beach photo ang kanyang nakakabighaning ganda.

Credit: Liza Soberano Instagram     

Noong nakaraang January 4, ipinagdiwang ni Liza ang kanyang ika-23 kaarawan sa magandang isla ng Siargao, sa lalawigan ng Surigao del Norte.

Credit: Liza Soberano Instagram

Kasama ni Liza na nagbakasyon sa Siargao ang kanyang pamilya at kasintahan na si Enrique Gil. Sa kanyang Instagram page, ibinahagi ni Liza ang ilan sa kanyang mga beach photo na pinusuan naman ng maraming netizens.

“23 ✨ Thank you so much for all the greetings and wishes,” caption ni Liza sa kanyang mga larawan kung saan makikita siyang masayang-masaya habang kasama ang kanyang pamilya at si Enrique.

Credit: Liza Soberano Instagram

Sa kanyang Instagram post noong January 9, ibinahagi naman ni Liza ang isang cute photo nila ni Enrique na nakaupo sa isang swing sa ilalim ng isang kubo.

Kitang-kita sa mukha ng real-life celebrity couple ang kasiyahan habang nagbo-bonding sila sa ilalim ng kubo.

Credit: Liza Soberano Instagram

“To escape and sit quietly on the beach – that’s my idea of paradise – Emilia Wickstead,” caption ni Liza sa kanyang post.

Sa isa pang post, ibinahagi naman ni Liza ang larawan ng kanilang seafood boodle fight table set-up kalakip ng caption na, “Exploring our beautiful country, one island at a time ❤️ Thank you DOT @tourism_phl for making this possible 🇵🇭 #HaveASafeTrip, Pinas!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Liza Soberano (@lizasoberano)

Kinilig naman ang mga LizQuen fan sa mga litrato nina Liza at Enrique na sweet na sweet na nag-pose sa ilalim ng isang bahaghari.

Credit: Liza Soberano Instagram

Makikita rin sa litrato ang beach body ni Liza suot ang kanyang two piece swimsuit.

“Thank you God for creating all things beautiful,” ani Liza sa caption.

Samantala, sa isang hiwalay na post ipinahayag ni Liza kung gaano niya namimiss ang Siargao ilang araw matapos ang kanilang bakasyon sa isla.

Credit: Liza Soberano Instagram

Ani Liza, “Missing Siargao 🥺 Thank you so much @ninobarbers, @katarinarodri and the amazing staff of @bayudsiargao for giving us the best experience. Siargao has a special place in our hearts thanks to how sweet everybody is, even the locals who would wait for us on their little boats were so sweet and respectful.”

Credit: Liza Soberano Instagram

Dagdag ni Liza, “I can’t believe I know how to surf and now I just can’t wait to surf again!! It’s so addicting. Thank you @ikit_agudo, you’re the best instructor.”

Credit: Liza Soberano Instagram

Nakatakdang gumawa ng isang bagong proyekto si Liza ngayong taon kasama si Enrique base sa isang artikulo na inilathala ng ABS-CBN News.