Tignan ang naging masayang pagbabakasyon ng pamilya nila Billy Crawford at Coleen Garcia sa Paris

Masayang binahagi ng aktres na si Coleen Garcia-Crawford ang Family trip nito sa Paris, France. Sa mga larawang pinost nito sa kaniyang instagram, kasama niya ang asawa nitong si Billy Crawford at ang sobrang cute nilang anak na si Amari habang nakasakay sila sa isang carousel.

Credit: @coleen Instagram

Labis din ang saya ng kanilang napaka-gwapong anak na si Amari habang nakasakay ito sa isang malaking leon. Ngunit mukhang mas na-enjoy ng couple at bumalik ang mga ito sa pagkabata sa pagsakay sa carousel. Naging espesyal pa ang karanasan ng Crawford Family dahil bukod sa nakasakay sila sa carousel ay sa Paris pa nila ito naranasan.

“We finally got to ride a carousel in Paris for real” caption ni Coleen sa kaniyang post.

Sa kanilang bakasyon, binisita rin nila ang kahanga-hangang Eiffel Tower sa Paris, France. Andyan din ang kaliwa’t kanan na mga larawan ng aktres sa kaniyang ‘food trip’. Kasama ang buong Pamilya, sabay sabay nilang pinagsaluhan ang mga sikat at masarap na pagkain na kilala sa Paris. Kinaaliwan naman ng mga netizens ang masasayang larawan ng Crawford Family.

Credit: @coleen Instagram

“Wow! Enjoy ang Baby amari…”

“Enjoy Crawfords!”

“What a lovely moment in Paris!”

Credit: @coleen Instagram

Sila Billy, Coleen, at Amari ay kasalukuyang nasa Paris pa para sa isang proyekto ni Billy kung saan ito ay kasama sa “Danse avec les stars”. Ito ay isang french version ng dance competition na “Dancing with the Stars.”

Kapares dito ni Billy ang isang ‘dancer’ at choreographer’ na si Fauve Hautot at napag tagumpayan nila na makakuha ng apat na buzzer galing sa mga judges. Ibig sabihin nito ay pasok na sila sa susunod na round. Nakatanggap din ng ‘standing ovation’ ang dalawa matapos ng kanilang napakausay na perfomance.

Credit: @coleen Instagram

Binahagi ni Coleen ang maiksing video ng masayang tagumpay ng asawa nitong si Billy sa kanyang social media account.

SO PROUD! Congratulations [Billy Crawford at Fauve Hautot]! You guys were amazing!” saad nito.