Tignan ang naging memorable beach trip sa Batangas ni Andi Eigenmann kasama ang kanyang partner at mga anak

Kilalang mahilig sa dagat ang pamilya ng aktres na si Andi Eigenmann. Kaya naman napakasaya niya dahil matapos ang limang buwang pagkakatenga sa bahay dahil sa qu@rantine ay muli silang nakapunta ng kanyang pamilya sa dagat.

Credit: Andi Eigenmann Instagram

Nagtungo sa Anilao, Batangas si Andi para sa isang beach trip kasama ang kanyang partner na si professional surfer Philmar Alipayo at dalawang anak na sina Ellie at Lilo.

Credit: Happy Islanders YouTube

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Andi ang ilang larawan nilang magpamilya kuha mula sa kanilang bakasyon.

Ayon kay Andi, ang kanilang bakasyon sa Batangas ay ang unang bakasyon nilang magpamilya ngayong 2020.

Credit: Happy Islanders YouTube

Sulat ni Andi sa caption ng kanyang post, “Beach days once again. FINALLY. So happy to be back by the sea after 5months. A chance for me and my #HappyIslandFam to feel like ourselves again. This is technically our first family vacation for 2020, and Lilo’s first holiday getaway too! Albeit Lilo being far away from the ocean for 6months, and Ellie 11months, they are still island girls at heart!”

Dahil matagal din silang hindi nakapunta sa dagat kaya naman sinigurado at labis nilang in-enjoy ang kanilang bakasyon.

Credit: Happy Islanders YouTube

Kwento ni Andi, maraming masasaya at hindi malilimutang karanasan umano silang ginawa ng kanyang pamilya sa kanilang bakasyon.

Dagdag niya, “This trip isn’t even over yet we’ve already made so much memories together, and have had many wonderful experiences already (like Ellie scuba diving for the first time!).”

Kabilang sa mga ginawa nila Andi ay ang mag-snorkeling, island trip at siyempre mag-swimming.
Proud na ikwenento rin ni Andi ang unang beses na pagsabak ng kanyang panganay na anak na si Ellie sa diving.

Credit: Happy Islanders YouTube

Ipinost ni Andi ang mga larawan ni Ellie habang nasa ilalim ng dagat na kinunan niya pa mismo.

Ani Andi sa caption, “That’s my girl! Ellie took a bubble maker class with @jonahveridiano at @solitude.acacia. She got to try it out at the pool the first day, and went out into the ocean on the next!”

Dagdag ni Andi, “She was so brave, and what a bittersweet feeling it was that she seemed so secure and confident just being with her instructors and didn’t even need me. I am living vicariously through this child.”

Credit: Happy Islanders YouTube

Mas naging memorable ang Anilao, Batangas beach trip nila Andi dahil dito ginawa ng kanyang partner na si Philmar ang pagpopropose sa kanya.