Tignan ang naging reaksyon ng boyfriend ni Andi Eigenmann matapos malaman na ang kanilang ikalawang anak ay lalaki

Napasigaw na lamang sa labis na kasiyahan ang non-showbiz boyfriend ni Andi Eigenmann na si Philmar Alipayo matapos malaman na ang pangalawa nilang anak ay isang lalaki.

Credit: Happy Islanders YouTube   

Sa kanilang YouTube vlog, ibinahagi ni Andi ang masayang gender reveal na inihanda niya para kay Philmar at sa kanyang dalawa pang anak na sina Ellie at Lilo.

Matagal ding itinago ni Andi sa kanyang sarili ang ‘gender’ ng kanyang ipinagbubuntis dahil gusto niyang surpresahin ang kanyang pamilya.

Sa vlog, mapapanood si Andi na hindi na makapaghintay na maibahagi sa kanyang pamilya ang kasarian ng kanyang ipinagbubuntis. Ikatlong anak na ito ni Andi at ikalawang anak naman nila ni Philmar.

Credit: Happy Islanders YouTube

Pinili ni Andi na ibinunyag ang kasarian ng kanyang ipinagbubuntis sa pamamagitan ng pagbe-bake ng mga ‘gender reveal cupcake’ na ipapakain niya kina Philmar at Ellie.

Habang nagbe-bake, sinigurado muna ni Andi na hindi mabubuking nina Philmar at Ellie ang kulay ng icing na kanyang gagamitin.

Sa simula ay plano talaga ni Andi na ibunyag ang gender ng sanggol sa pamamagitan ng paggamit ng blue icing kaya lang ay pumalpak ang ginawa niyang icing.

Kaya naman kinailangan niyang gumamit ng isang box na lalagyan niya ng mga kulay asul na damit pang-sanggol.

Credit: Happy Islanders YouTube

Nang ipakain na ni Andi ang mga cupcake kina Philmar at Ellie ay excited nila itong inubos.

Hindi nila alam na puting icing lang ang nakalagay sa cupcake at ang totoong magbubunyag ng gender ng sanggol ay nasa loob ng box.

Halatang sabik na rin sina Philmar at Ellie na malaman ang gender ng sanggol dahil nag-unahan sila sa pagbukas ng box at nang makita ang kulay ng mga damit ay napatalon at napasigaw na lamang sila sa kanilang inuupuan.

Credit: Happy Islanders YouTube

Una nang sinabi ni Ellie at Philmar sa vlog na gusto nila ng isang lalaki ngunit may pakiramdam umano sila na babae ang kasarian ng sanggol.

Kaya tuloy sobra-sobra ang kanilang kasiyahan nang malaman na lalaki ang ipinagbubuntis ni Andi.
Makikita sa reaksyon nina Andi, Philmar at Ellie na hindi na sila makapaghintay sa pagdating ng kanilang baby number 3 na isang baby boy!

Samantala, hindi lamang sina Philmar at Ellie ang naghintay sa gender reveal ni Andi kundi pati na rin ang mga tagahanga ng “Happy Islander” family.

Katulad nina Andi, Philmar, Ellie at Lilo ay masayang-masaya rin ang mga netizen na isang lalaki ang new addition sa sinusubaybayan nilang pamilya sa social media. Komento ng netizens:

Credit: Happy Islanders YouTube

“It’s a simple celebration but honestly after it was revealed, I was smiling. Congratulations it’s a boy!”

“the best reactions ever ❤️ Literally my favourite vlog family to watch, makes my day!”

“The most simple gender reveal i’ve watched yet the most authentic and genuine reaction ❤️”